Matapos ang paglaladlad ng tunay niyang pagkatao, muling nagbakasyon ang dating host at aktor na si Raymond Gutierrez sa United States. Sa social media, ibinahagi ni Raymond ang kanyang relaxing vacation sa Beverly Hills, California. Sa mga larawan at video na ibinahagi niya ay makikitang kasama niya rin ang kanyang mga kaibigan.
Kabilang na dito ang sikat na make up artist at Youtuber na si Patrick Starr. Bukod kay sa Filipino-American na si Patrick Starr, namataan ring kasama ni Raymond ang hunk actor na si Tony Labrusca.
Sa katunayan, nagbahagi pa si Raymond ng nakakatuwang TikTok video nila ni Tony Labrusca.


Read More: Raymond Gutierrez at Tony Labrusca, Pinakilig ang mga Netizens sa Kanilang TikTok Video
Sa kanilang video, makikitang close na close ang dalawa sa isa’t-isa. Dahil dito, hindi mapigilang mapaisip ng mga netizens kung may namumuo nga bang pagtitinginan si Tony at Raymond.
Sa kabilang banda, hindi naman ito ang unang beses na namataang magkasama ang dalawa dahil matalik silang magkaibigan.
Matatandaang nitong August lamang ng isiwalat ni Raymond ang katotohanan tungkol sa kanyang pagkatao. Sa isang exclusive interview para sa Mega magazine entertainment feature, ibinahagi ni Raymond na kabilang siya sa LGBTQ community. Ayon sa kanya, ito raw ay “open secret” na sa industriya.

“I’m here to formally say that I am a proud member of the LGBTQ community. I am out to a lot of my close friends, and I’m lucky that I have that support system around to give me the confidence to really accept who I am and to love myself because not a lot of people have that,” pahayag ni Raymond.
Ayon pa kay Raymond, kahit pa dumanas siya ng diskriminasyon dati ay nagpapasalamat naman siya sa patuloy na suporta ng kanyang pamilya.
Sa kabilang banda, umani ng positibong reaksyon mula sa social media ang rebelasyong ito. Marami ring fellow celebrities ni Raymond ang nagpahayag ng suporta sa host.

Read More: “Wag na tayo mandamay”- Gerald Anderson, Umaasa Pang Mapapatawad Siya ni Bea Alonzo
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment