Sa panahon ngayon, talagang usong-uso na ang mga prank sa social media. Patok na content rin ito sa mga vloggers sa Youtube. Talagang nakakatuwa nga namang makapanood ng lighthearted prank, kung saan good vibes lang at walang ibang nasasaktan o naaapakan. Ngunit ano ang magiging reaksyon mo kung ang prank na ginawa mo ay bumalik rin sayo?
Ganito ang nangyari sa beteranong komedyante na si Long Mejia. Mahigit 770,000 subscribers ang nakasubaybay kay Long sa Youtube.
Kamakailan lang, inimbitahan niya ang kanyang close friend na si Aiko Melendez upang mag-guest sa kanyang vlog, ngunit hindi alam ni Aiko na ipa-prank pala siya ni Long.

Read More: Long Mejia, Humingi ng Tawad kay Ellen Matapos Ito Tawaging “Unprofessional”
Biniro ni Long si Aiko na siya ang magiging leading lady nito, ngunit mayroon silang love scenes sa kanilang mga eksena.
Nawindang naman si Aiko, at kamakailan ay tumawa lang ito matapos mabuking na prank lamang ito. Matapos iyon ay ginantihan naman ni Aiko si Long, at pinakausap niya ito sa kanyang manager.
Ayon sa manager ni Aiko, kailangan ay magbayad si Long ng talent fee kay Aiko dahil sa paggu-guest nito sa kanyang vlog.


Kung nais niya raw ilabas ang vlog ay kailangan niyang bayaran ng buo ang talent fee nito. Nagulat naman si Long nang malaman na mahigit P400,000 pala ang talent fee ni Aiko kada shooting!
“Sa lahat po kasi ng appearances ng artist, lalo na po kapag vlog, eh meron po talagang compensation. Kung ilalabas niyo po yung vlog, you will have to pay siguro ho the standard rate of Ms. Aiko,” pahayag pa ng manager ni Aiko na mayroong seryosong tono, kaya naman talagang napaniwala si Long.
Maya-maya pa ay inamin rin ni Aiko na prank lamang ito upang makaganti siya kay Long. Maraming netizens rin ang naloko dito, at noong una’y inakala nilang pinagbabayad nga si Long ng P400,000!

Read Also: Xian Gaza, Isiniwalat ang Di Umano’y ‘Scam’ ni Rudy Baldwin Kung Saan Kumikita Siya ng Milyones!
Panoorin ang buong video dito:
Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment