"Dalawa silang dine-date ko"- Luis Manzano, Inamin kay Jessy Mendiola na Nag-Cheat na Siya Dati

Isa si Luis Manzano sa mga sikat na aktor sa industriya ng showbiz. Maituturing na ‘open book’ ang buhay nito sa publiko, lalo pa’t parehong public personalities rin ang mga magulang ni Luis. Interesado rin ang mga fans sa love life ng aktor, at hindi lingid sa kaalaman ng publiko na marami na rin itong naging girlfriend.

Sa ngayon ay kasal na si Luis sa kanyang long-time girlfriend na si Jessy Mendiola. Bago ito, matatandaang naging girlfriend rin ni Luis sina Angel Locsin, Jennylyn Mercado, Anne Curtis, at Nancy Castiglione.

Ngunit sa kanyang mga naging ka-relasyon, naranasan na nga bang magloko ni Luis? Yan ang tanong ni Jessy sa kanilang latest “Never Have I Ever” challenge.

Read Also: Jessy Mendiola, Aminadong Nage-Edit ng mga Larawan Online Dahil Natatakot Ma-Bash

Kamakailan lang ay ibinahagi ng mag-asawa ang kanilang vlog entry, kung saan tinanong nila ng personal questions ang isa’t-isa.

Nang tanungin si Luis kung nagloko na nga ba siya sa kanyang past relationships, tapat naman itong sinagot ni Luis at inaming guilty siya dahil naranasan na niyang magloko dati.

“I have. High school at saka college. Dalawa sila dini-date ko ng sabay. Actually hindi ko maalala, basta ang alam ko marami akong dine-date noon,” pahayag ni Luis. Ngunit nilinaw niya na naganap ito noong bata pa siya, at hindi na siya nagloko sa kanyang adult relationships.

Dagdag pa ni Luis, naranasan niya na ring ipagpalit ang kanyang kaibigan para sa kanyang girlfriend. Dati daw ay malapit pa sila ng aktres na si Anne Curtis. Ngunit hindi siya kinakausap ni Anne dahil di ito boto sa kanyang girlfriend noong mga panahong iyon.

“Parang a while back hindi niya gusto yung dine-date ko, sabi niya, “Manzano, as long as dine-date mo yon di tayo mag-uusap.” Tapos ako nung time na yon, may dine-date din siya. Sabi ko sige quits tayo, parang sabi ko you are not good for each other,” pahayag ni Luis.

Read More: Netizens, Pinagkaguluhan ang Appearance ni Ivana Alawi sa Bagong Music Video ni Bella Poarch

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwenot, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment