Anak ni Ai-Ai, Stable ang Kalagayan Matapos Mahulog sa Bangin ang Kotse Dahil sa Hit and Run

Labis ang kaba ng “Queen of Comedy” na si Ai-Ai delas Alas matapos masangkot sa car crash ang kanyang anak na si Shaun Nicolo. Si Shaun ay kasalukuyang nasa United States, at nitong August 18 lamang ay naging biktima ito ng hit-and-run. Nalaglag sa bangin ang minamanehong sasakyan nito, ngunit sa kabutihang palad ay hindi siya nagtamo ng malalang injuries.

“Na-hit-and-run kotse niya at nahulog sa bangin pero sa milagro ng DIYOS walang galos anak ko. Pero pina-x-ray pa rin siya para malaman namin kung wala siyang internal damage sa katawan niya. Pero grabe LORD, salamat po sa pagliligtas sa anak ko. Walang hanggang pasasalamat,” pahayag ni Ai-Ai.

Read More: “I am now 94 years old”- Tatay ni Angel Locsin, Humiling ng Apo Mula sa Bagong-Kasal

Dagdag pa nito, nakahinga rin siya ng maluwag matapos malamang walang tinamong serious injuries ang kanyang anak.

Ayon kay Ai-Ai, kahit pa nalaglag sa bangin ang kotse ni Shaun ay gasgas lamang ang tinamo nito. Nagbiro pa ito na yelo lamang ang katapat ng kanyang mga pasa.

Dahil dito, labis ang pasasalamat ng “Queen of Comedy” sa diyos dahil hindi nalagay sa panganib ang buhay ng kanyang anak. Itinuturing rin niya itong pangalawang buhay ng kanyang anak, dahil di umano’y isa itong milagro na habambuhay niyang ipagpapasalamat sa maykapal.

“Walang galos pasa lang sa hips, kotse nahulog sa bangin. I praise and glorify you Lord God. Salamat sa kabutihan mo at sa milagro ito sa buhay namin. Salamat sa pangalawang buhay ng anak ko si Shaun. I love you Lord Jesus. I love you Shaun Nicolo,” pahayag ng “Queen of Comedy” sa Instagram.

Sa kabilang banda, nagpaabot rin ng suporta at dasal ang mga netizens at maging fellow celebs ni Ai-Ai para sa speedy recovery ng kanyang anak. Kabilang na sa kanila sina Pokwang, Ogie Alcasid, Jay Gonzaga, at iba pa.

Read Also: “Dalawa silang dine-date ko”- Luis Manzano, Inamin kay Jessy Mendiola na Nag-Cheat na Siya Dati

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong kwento at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment