Hunk Actor, Napilitang Magbenta ng Erotic Videos Online Para sa Chemotherapy ng Asawa

Sa panahon ngayon, talagang napakahirap kumita ng pera dahil sa pandemic. Kaya naman karamihan sa ating mga kababayan ay napipilitang maghanap ng ibang raket para lamang may maipangtustos sa kanilang pamilya. Kabilang na sa kanila ang hunk actor na ito, na dahil sa matinding pangangailangan ay napilitang magbenta ng videos online.

Kamakailan lang, nakapanayam ng Philippine Entertainment Portal ang indie actor na si Charles Delgado. Ulila na sa magulang si Charles matapos pumanaw ang kanyang ama noong siya’y siyam na taong gulang pa lamang.

Noong 2015 naman, pumanaw ang kanyang ina dahil sa matinding karamdaman at tuluyan na silang naulilang siyam na magkakapatid.

Read More: Sharon Cuneta, Inamin na Sumailalim Siya sa Major Surgery Kaya Nagpunta sa Amerika

Taong 2010, sa edad na disiotso ay nag-asawa si Charles at bumuo na rin ng sarili niyang pamilya. Biniyayaan naman sila ng dalawang anak na edad 11 at 6 na ngayon. Bago pa man ito ay sumabak na rin siya sa showbiz at lumabas sa mga indie films na mayroong daring roles.

Ngunit noong 2019 ay isang malaking dagok ang kinaharap ni Charles. Na-diagnose ng malubhang karamdaman ang kanyang asawa, kaya naman kinailangan nitong sumailalim sa chemotherapy.

At dahil kailangan nila ng pera, napilitan ang aktor na magbenta ng kanyang erotic videos online upang mabayaran ang mga hospital bills nila.

“Since 2019 pa po, nagki-chemo po ang wife ko, sobrang hirap… sobrang hirap! Simula nung walang-wala na talaga ako, nabenta ko na lahat ng gamit ko. Pantustos lang sa ospital ni Misis. Pang-chemotherapy niya. Kasi, talagang hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng pang-chemo niya, panggastos namin sa bahay,” pahayag ni Charles.

Sa ngayon ay aktibo si Charles bilang isang online s*x worker. At kahit pa sanay na siya na maghubad sa harap ng kamera, kabado pa rin daw siya ngayon

Sa kabila nito, iniinda niya ang pressure para lamang kumita. Alam rin daw ng asawa niya ang trabaho niyang ito.

Read Also: Larawan ni Nadine Lustre at Bagong BF na Foreigner Businessman, Usap-Usapan Ngayon Online!

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment