Lolit Solis, May Isiniwalat sa 40-Year Age Gap ni Albert Martinez at ng Rumored GF Nito!

Sa mundo ng showbiz, hindi maiiwasang maging curious ang mga fans sa love life ng kanilang mga iniidolong artista. Kaya naman tuwing may bagong nakaka-relasyon ang mga artista ay laging nakaantabay ang publiko. Ngunit sa kabilang banda, dahil sa kakulangan ng privacy ay nahuhusgahan rin ang kanilang personal na buhay.

Maging ang mga beteranong artista ay hindi nakakaligtas mula sa mapanghusgang mata ng publiko. Kamakailan lang, naging usap-usapan sa social media ang di umano’y bagong girlfriend ng batikang aktor na si Albert Martinez. Ayon sa mga kumakalat na balita, mas bata kay Martinez ang kanyang rumored girlfriend.

Read More: Nanay ni Vice Ganda, Napaiyak Matapos Makita ang Bagong Bahay na Ipinagawa ni Vice Para sa Kanya!

Mas lalong naging kontrobersyal ang tsismis na ito matapos makisawsaw ang sikat na showbiz insider at talent manager na si Lolit Solis. Nagbigay siya ng pahayag tungkol sa kumakalat na tsismis sa rumored girlfriend ni Albert Martinez, at pinangalanan niya rin ito.

Ayon kay Lolit, ayon sa mga usap-usapan ay ang young actress na si Faith da Silva ang nali-link kay Albert. At kahit pa mahigit 40 years ang agwat ng dalawa, wala naman daw masama kung may relasyon sila dahil parehas namang single si Faith at Albert.

“Kung sakali maganda ngang team up dahil at least bata pa ang magiging misis ni Albert na makakasama niya sa buhay. At dahil matagal ng solo, baka nga nalungkot kaya naghanap ng makakasama sa buhay. At hindi naman masama na bata sa kanya ng 40 years ang mapili niya, guwapo parin at maganda pa ang physique ni Albert sa kanyang edad.”

Dagdag pa ni Lolit, nawa’y maging masaya na lamang ang mga fans sa choice ni Albert at Faith. Siguradong tanggap rin naman ito ng mga anak ng aktor, lalo pa’t saksi naman daw sila kung gaano kalungkot ang kanilang ama na walang kapareha sa buhay.

Read Also: Lyca Gairanod, Isiniwalat ang Nakakaiyak na Dahilan Kung Bakit Ibinenta Niya ang House and Lot Prize sa “The Voice”

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag follow at mag like sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment