Si Lyca Gairanod ang isa sa mga pinakasikat na young singers ngayon sa industriya ng showbiz. Ngunit di katulad ng ibang artista, dumanas muna ng hirap si Lyca upang maaabot ang tagumpay na tinatamasa niya ngayon. Bago maging singer ay naranasan ni Lyca na tumira sa kalsada, at doon nga siya nadiscover matapos mag-viral sa Facebook.
Ngayon ay kilala si Lyca bilang champion ng “The Voice Kids Philippines” noong 2014. Ngunit kahit pa sikat na siya, hindi mo kakikitaan ng pagiging matapobre si Lyca. Isa sa mga naging premyo niya matapos manalo sa singing competition ay ang bonggang house and lot na nakapangalan sa kanya.


Read More: “I am now 94 years old”- Tatay ni Angel Locsin, Humiling ng Apo Mula sa Bagong-Kasal
Ngunit sa kanyang nakaraang interview kay Karen Davila, inamin ni Lyca na ibinenta na niya ang bahay na napanalunan niya.
Ayon sa 16-anyos na singer, bumili siya ng bahay malapit sa kanilang dating tirahan sa Tanza, Cavite. Sa ganitong paraan ay malapit pa rin sila sa kanyang lola, na ayaw iwanan ang kanyang dating tahanan.
“Marami rin pong memories sa napanalunang bahay. Pero para po kay Lola, gusto niya kami makasama kaso malayo po kami. Dinala namin siya doon pero umuwi. Ayaw niya po talaga doon. Gusto ko ng ganitong life, ayoko ng tahimik, yung walang naririnig na ingay,” dagdag pa ng singer.

Kahit pa ibinenta niya ang bahay na napanalunan niya, mas masaya naman daw si Lyca na bumalik sa kanilang dating lugar. Bumili rin sila ng mas maayos na bahay kaysa sa dati nilang nirerentahan. Sa ganitong paraan ay lagi niyang nakikita at nakakasama ang kanyang lola.
Tinanong rin ni Karen Davila kung ano nga ba ang gagawin ngayon ni Lyca sakali mang hindi siya nanalo sa “The Voice.” Ayon dito, patuloy pa rin ang pangangalakal niya ng basura para matulungan ang kanyang pamilya.
Read Also: “Dalawa silang dine-date ko”- Luis Manzano, Inamin kay Jessy Mendiola na Nag-Cheat na Siya Dati


Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment