Kamakailan lang ay ikinasal na ang celebrity couple na sina Angel Locsin at Neil Arce. Marami ang nagpaabot ng kanilang suporta sa couple, lalo pa’t matagal na ring pinapangarap ng dalawa ang kanilang pag-iisang dibdib. Isa sa mga natutuwa sa desisyon nilang ito ay ang ina ni Neil Arce na si Mommy Jean, na botong-boto para sa kanyang daughter-in-law na si Angel.
Sa “The Angel and Neil” Youtube channel, napanood ng mga fans kung gaano kalapit sa isa’t-isa si Neil at ang kanyang ina.
Dahil nag-iisang anak lang ito, suportado siya ng kanyang mga magulang sa lahat ng bagay na nagpapasaya sa kanya. Nagbigay rin ng payo sa kanya si Mommy Jean ngayong isang ganap na mister na siya.

“Alam mo super happy talaga ako magpapakasal ka na ngayon kasi 38-year-old ka na! Alam mo, ‘yun lang naman ang request ko sayo diba.
At the age of 38, I’m so happy you’re getting married cause finally, Angel will take care of you and not me anymore,” pabiro pang sinabi nito sa kanyang unico hijo.
Pinayuhan niya rin ito kung paano magiging mabuting asawa kay Angel. Ayon kay Mommy Jean, “happy wife, happy life” dapat ang mantra ni Neil upang maging mapayapa ang kanilang pagsasama. Pinayuhan niya rin ang anak na maging responsable at maalaga lalo na sa magiging anak nila sa hinaharap.


“The best thing, maging ‘under’ ka, sundin mo lahat ng gusto ni Angel para masaya kayo. Ikaw dapat ang mag-asikaso ng bahay.
“Ikaw dapat ang mag-asikaso kay Angel. Pag nagkaanak kayo dapat ikaw ang mapupuyat hindi si Angel. Gusto mong maging masaya ang asawa mo? Ipag-shopping mo, happy wife, happy life!”
Ayon pa kay Mommy Jean, alam naman niyang magiging mabuting asawa si Neil kay Angel. Nakikita niya rin daw na mahal na mahal nito si Angel, at kahit ano pang dagok ang dumating sa kanila ay nalagpasan nila. Kaya naman excited na rin sila sa bagong buhay mag-asawa ng dalawa.

Read More: Long Mejia, Humingi ng Tawad kay Ellen Matapos Ito Tawaging “Unprofessional”
Panoorin ang buong video dito:
Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment