Si Rudy Baldwin ay kilalang manghuhula na sumikat sa social media dahil sa kanyang mga nakakakilabot na pangitain na di umano’y nagkakatotoo. Dahil sa kanyang nakakakilabot na hula, naitampok pa sa programang “Kapuso Mo, Jessica Soho” si Rudy Baldwin. Umani rin siya ng milyon-milyong fans sa social media.
Ang kanyang mga followers ay laging nakaabang sa updates ni Rudy Baldwin. Ayon dito, nahulaan niya ang pagpanaw ng mga sikat na personalidad, gaya na lamang nina Lloyd Cadena at Emman Nimedez. Iginiit rin ni Rudy Baldwin na nahulaan na niya ang pagsabog ng Taal volcano noong January 2020.

Read Also: Rob Moya, Ibinahagi ang Reaksyon ni Toni at Tyronia sa Regalo Niyang Gold na Alahas
Sa kabila ng lahat, hindi lahat ng netizens ay naniniwala sa ‘kakayahan’ ni Rudy Baldwin. Isa na sa kanila ang social media influencer na si Christian Albert Gaza, o mas kilala bilang Xian Gaza. Ayon dito, isang ‘scammer’ si Rudy Baldwin dahil sa di umano’y panlolokong ginagawa nito sa mga naniniwala sa kanya.
Kamakailan lang ay ibinuking ni Xian sa social media ang mga modus ni Rudy Baldwin upang kumita.
Nagsimula lamang si Xian sa pagko-comment sa mga posts ni Rudy Baldwin sa Facebook, hanggang sa napagdesisyunan niyang ibuking na ang totoong modus nito na hindi alam ng karamihan sa kanyang followers.

Ayon kay Xian, may mga lumapit daw sa kanya na nabudol ni Rudy Baldwin. Nanghuhula daw ito, at sasabihing may matinding trahedya ang mangyayari sa taong hinulaan niya. Matapos nito ay magbebenta daw si Rudy Baldwin ng amulet o anting-anting na nagkakahalaga ng P20,000 hanggang P50,000.
Dagdag pa nito ay hindi malabong kumikita ng milyones si Rudy Baldwin sa mga ito. Sa kabilang banda, hindi naman nag-komento si Baldwin tungkol sa mga paratang nito. Nauna na niyang blinock si Xian Gaza sa kanyang Facebook page upang hindi na ito makapag-komento pa.


Read Also: Coco Martin, Ninenerbyos Muling Makatrabaho si Julia Montes sa “Ang Probinsyano”
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment