Nanay ng "Viral Doña" na si Maria Hofs, Napaluha na Lang Dahil Nadawit sa Isyu

Maraming netizens ang talagang nanggalaiti sa “Viral Doña” na ito mula sa Cebu. Naging usap-usapan sa social media kamakailan lang ang viral video nito. Isang caterer na nagngangalang Marjorie Abastas ang dumulog sa tanggapan ni Raffy Tulfo. Inireklamo ni Marjorie si Maria May Hofilena, na nag-order sa kanya ng mga food platters ngunit hindi ito binayaran.

Sa viral video, makikita na nakikipagtalo pa si Maria sa caterer. Ayaw niyang bayaran ng buo ang mga food platter dahil nadismaya siya sa servings nito.

Nagbanta pa si Maria na sasaktan niya ang caterer kung magpupumilit ito na kunin ang mga food platters mula sa kanyang event.

Read Also: “Ayoko talaga sayo!”- Donita Nose, Prangkang Inamin kay Michelle na Ayaw Niya Dito Para Kay Tekla

Dahil dito, maraming netizens ang nakisimpatya kay Marjorie na naghahanapbuhay lamang ng marangal.

Dagdag pa nila, mayaman nga si Maria, ngunit kinulang naman ito sa manners. Nagsulputan rin ang mga memes tungkol sa “Viral Doña” ng Cebu sa social media.

Ngunit ang masaklap dito, hindi lamang si Maria ang nadawit sa isyung ito. Maging ang kanyang mga kapamilya ay na-bash rin sa social media dahil sa kanyang pag-aasal. Kabilang na dito ang kanyang senior citizen na ina na hindi mapigilang maging emosyonal.

Ayon sa ina ni Maria, labis siyang nasaktan dahil maging siya ay dinamay ng mga netizens sa kanilang mapanghusgang komento. Nakikita niya rin daw sa social media ang mga masasakit na salita ng mga netizens tungkol sa kanya, kahit pa wala naman siyang kinalaman sa isyu.

Dagdag pa ni Maria, simula ng mag-trending ang kanilang video sa social media ay dinumog na ng mga tao ang labas ng kanilang mansyon. Dahil dito ay nabulabog rin daw sila sa ingay.

“This is the road that is so famous today, that disturbed us, that it is an instant tourist attraction, however, we can’t fall asleep again because people passing by here arguing, gossiping. Where is our protection now?”

Read Also: Sheryl Cruz, Lantarang Nag-“Love You” sa Rumored Boyfriend na si Jeric Gonzales!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment