Iya Villania, Napaiyak sa Reaksyon ni Drew Matapos Niyang Aminin ang Matinding Kasalanan Niya Dito

Ayon nga sa kasabihan, kapag nakilala mo na ang iyong true love, wag mo na itong pakawalan pa! Sa panahon ngayon, talagang bihira na ang makahanap ng taong mamahalin ka ng buo. Kaya naman maswerte ka kung makakahanap ka ng taong tatanggapin ka sa kabila ng iyong mga pagkakamali.

Kagaya na lamang ng nangyari sa celebrity couple na sina Iya Villania at Drew Arellano. Dahil sa kanilang masayang pamilya ay nabansagang ‘couple goals’ ang dalawa sa social media. Ayon kay Iya, bukod sa pagiging mapagmahal na asawa at responsableng ama, hanga din siya sa pagiging mapagpatawad ni Drew.

Read More: Nanay ni Vice Ganda, Napaiyak Matapos Makita ang Bagong Bahay na Ipinagawa ni Vice Para sa Kanya!

“Let’s just say na nagkamali ako in my relationship with Drew. Meron akong sablay na nagawa. Tapos sabi niya ‘If you were me, what would you do?’ Alam mo kung ano ang sabi niya sa akin? Sabi niya ‘Call me this or call me that, but I still have faith in you,’ pahayag ni Iya.

Sa kanyang nakaraang interview, ibinahagi ng “Chika Minute” host ang ginawa ng kanyang mister noon na nagpa-realize sa kanya kung gaano siya kawerte dito. Nasubok daw ang pagmamahal sa kanya ni Drew nang makagawa si Iya ng mabigat na kasalanan dito. Paano naman kaya nag-react ang mister niya?

Hindi naman niya idinetalye ang bunga ng kanilang problema. Gayunpaman, labis daw siyang nabigla sa reaksyon ni Drew. Imbes na magalit ito ay nagawa niya pang intindihin si Iya, at patuloy pa rin daw itong nagtitiwala sa kanyang misis.

“Naka-jackpot ako! That’s really when I felt now, ‘Wow okay, this is unconditional love because he still knew where my heart was. He still knew me despite the mistakes that I had made. And not just once, but thrice. I’m still willing to love you.”

Read Also: Lyca Gairanod, Isiniwalat ang Nakakaiyak na Dahilan Kung Bakit Ibinenta Niya ang House and Lot Prize sa “The Voice”

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment