Sharon Cuneta, Inamin na Sumailalim Siya sa Major Surgery Kaya Nagpunta sa Amerika

Karamihan sa mga kababaihan ay naghahangad ng malaking hinaharap, ngunit hindi nila alam na may kaakibat din itong pasanin. Ayon kay “Megastar” Sharon Cuneta, hindi madali ang pagkakaroon ng malaking dibdib. Ilang taon niya rin itong tiniis, kaya naman sa kanyang edad na 55 ay napagdesisyunan ni Sharon na pabawasan na ito.

Ayon kay Sharon, hindi lang basta-basta bakasyon ang pinunta niya sa Amerika. Nagtungo rin siya doon upang sumailalim sa isang operasyon.

Nag-desisyon si Sharon na pabawasan ang kanyang mabigat na hinaharap sa pamamagitan ng breast reduction procedure. Ibinahagi niya ang detalye nito sa kanyang latest press conference para sa promo ng film na “Revirginized.”

Read Also: Larawan ni Nadine Lustre at Bagong BF na Foreigner Businessman, Usap-Usapan Ngayon Online!

“Nagpunta ako ng Amerika, di ba? Tumaba ako pero konti lang, may lumiit sa akin. I had my chest reduced. I gained so much weight and then I breastfed Miel. And after gaining and losing, a lot of it was skin and fats. No, I didn’t have implants. It was all natural. But it’s all skin and fats so I had it reduced,” paliwanag ni Megastar.

Nilinaw rin ng “Megastar” na hindi siya nagpadagdag ng dibdib dati. Natural daw na nabiyayaan ang kanyang hinaharap.

Ngunit sa kanyang pagtanda at pag-breastfeed sa bunsong anak na si Miel ay unti-unti rin daw nagbago ang kanyang dibdib, kaya naman pinabawasan niya na ito.

Sa kabilang banda, natanong rin si Sharon tungkol sa kanyang leading man na si Marco Gumabao. Puro papuri lamang ang nasabi niya dito, at ayon sa beteranang aktres ay isang professional si Marco sa pag-acting. Humanga rin daw siya sa dedikasyon nito sa pag-arte.

“With Marco, I tried to keep it really straight. ‘This is Pawie, this is my honey in the movie.’ Hanggang promo, pinaninindigan ko ‘yon for the sake of the movie. But he’s a dream to work with because he is professional. He is obviously the heartthrob of Viva now. He’s a good boy. We’re both Christians and, you know what, he’s a friend of mine.”

Read More: Long Mejia, Pinagbayad ng P400,000 Dahil sa Pagpa-Prank kay Aiko Melendez

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment