Halos Gumuho ang Mundo ng Inang Ito Matapos Pumanaw sa Sunog ang Limang Anak Niya

Wala ng mas sasakit pa sa isang ina ang mawalan ng anak. Walang kapantay ang pighati lalo na’t kung sa isang iglap ay bigla na lamang nawala ang buhay nila. Kamakailan lang, isang ina mula sa Illinois, United States ang halos magunaw ang mundo matapos pumanaw ang kanyang limang anak dahil sa sunog.

Ayon sa reports, naganap ang sunog noong madaling araw ng August 6 sa apartment ng mag-iina sa East St. Louis.

Lumabas sa imbestigasyon na panandaliang iniwan ng ina ang kanyang limang anak dahil may susunduin siya mula sa trabaho. Pagbalik niya ay nasaksihan niyang nasusunog na ang kanilang apartment.

Bandang 3:45 ng madaling araw nang sumiklab ang apoy. Sinubukan pang pasukin ng ina ang loob ng nagliliyab na apartment, ngunit hindi na siya nakapasok dahil sa kapal ng usok. Na-trap sa loob ng apartment ang kanyang limang anak, na natutulog noong mga oras na umalis ang kanilang ina.

Sa kasamaang palad, wala ni isa man sa mga bata ang nakaligtas. Ayon sa Illinois State Fire Marshal at ng Illinois State Police Department, kasalukuyang umaandar ang imbestigasyon upang matukoy ang pinagmulan ng sunog. Iniimbestigahan rin kung gumagana nga ba ang smoke alarms ng apartment building.

Ayon sa Serenity Memorial Chapel Funeral Director na si Walter Taylor, pinag-isipan nilang mabuti ang kabaong ng mga bata. Nag-viral sa social media ang larawan sa libing nga mga ito, dahil sa makukulay kabaong nila.

“Our focus is on the family and we’re trying to find opportunities to assist them in getting through the tragedy. These children were wonderful children. If you look at the caskets, each casket reflects their personal desires, the games they played with, the toys they liked, and the colors they were interested in.”

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment