"See you in court!"- Vlogger na si Jose Hallorina, Hindi Nagpasindak sa Demand Letter ni Donnalyn Bartolome

Kamakailan lang, naging usap-usapan sa social media ang alitan sa pagitan ng mga vloggers na sina Donnalyn Bartolome at Jose Hallorina. Nag-ugat ito matapos mag-post si Jose ng kanyang vlog, kung saan ibinahagi niya na ang kamag-anak ni Donnalyn na si Lola Josie ay pumanaw na. Nagpasaring rin siya sa video, ngunit hindi naman ito nagbitaw ng pangalan.

Ayon kay Jose, masakit sa kanyang puso isipin na tila ba pinabayaan na lang si Lola Josie ng kanyang mga kamag-anak.

Ngunit kahit pa hindi niya direktang binanggit ang pangalan ni Donnalyn, nagulat na lamang si Jose matapos makatanggap ng demand letter mula dito. Sa kanyang latest update, ibinahagi ni Jose ang nilalaman ng letter.

Read More: Ellen Adarna, Labis ang Stress Matapos Di Makita ang Anak ng 20 Days Dahil sa False Positive Result ng Swab

“Wala akong pinangalanan sa video, pero ilang araw matapos kong i-post ang video na yun, may natanggap akong demand letter.

Galit na galit, nag-email po si Donnalyn at kanyang abogado asking me to delete that video dahil nasisira raw ang kanyang reputasyon,” pahayag ni Hallorina sa kanyang bagong update.

Ayon dito, ipinapabura ni Donnalyn Bartolome ang kanyang vlog tungkol kay Lola Josie dahil di umano’y nasisira ang reputasyon nito.

Hindi naman ito inatrasan ni Jose. Mababakas ang dismaya sa boses nito, dahil imbes daw na lapitan at kausapin siya ni Donnalyn tungkol sa kalagayan ng kanyang lola at nagawa pa siya nitong padalahan ng demand letter.

Dagdag pa ni Jose, hindi siya nasisindak sa demand letter na ipinadala ni Donnalyn. Kung sakali mang maghaharap sila sa korte, hindi rin daw aatrasan ni Jose ito.

“Instead of talking to me and telling me, bakit namatay ang lola niya bilang homeless after I turned her over to them, binigyan pa ako ng demand letter,” pahayag ni Jose. Nilukot niya rin mismo sa video ang demand letter na ipinadala ng kampo ni Donnalyn.

Read Also: “Maging under ka!”- Nanay ni Neil Arce, Pinayuhan ang Anak sa Pag-aasawa Nito kay Angel Locsin

Panoorin ang buong pahayag ni Jose dito:

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment