Talagang napakabilis ng panahon! Tila kahapon lang ng simulan ni Ivana Alawi ang kanyang Youtube channel. Taong 2019 nang magsimula siyang mag-vlog, at sa loob ng maikling panahong ito ay agad lumago ang kanyang subscribers. Sa kasalukuyan ay mahigit 13.8 million na ang naka-subscribe sa kanyang channel sa Youtube.
Kamakailan lang, nag-celebrate siya ng kanyang ikalawang Youtube anniversary. Upang mas maging memorable ito, naghanda rin ng surprise ang kanyang pamilya.
Kabilang na sa mga surprises nila ay ang isang nakakakilig na special greeting ng male celebrity na ultimate crush pala ni Ivana Alawi!

Read More: Derek Ramsay, Sinagot Kung Imbitado ba si John Lloyd sa Nalalapit Nilang Kasal
Ito ay walang iba kundi ang Kapamilya actor na si Joshua Garcia. Hindi maipinta ang reaksyon ni Ivana matapos makitang binati siya ng 23-anyos na aktor. Gulat na gulat siya at tila hindi makapaniwala sa greetings ni Joshua. Ibinunyag naman ng kapatid ni Ivana na si Mona Louise Rey na matagal na niyang crush si Joshua.
Nagbiro pa si Ivana na i-follow ni Joshua ang kanyang puso, matapos sabihin ng aktor na i-follow niya ito sa Instagram. Agad namang napansin ng mga netizens na tila ba may chemistry sa dalawa, at malamang ay si Joshua nga ang tinutukoy ni Ivana na matagal na niyang crush.


Ayon pa sa mga fans, sana’y magkaroon ng collaboration ang dalawa, lalo pa’t single naman si Joshua ngayon. Hindi rin mapigilang kiligin ng mga netizens sa reaksyon ni Ivana! Silipin ang mga komento nila dito:
“I can’t wait for JoshVana doing their version of ’24hrs Jowa Challenge.’ This is a fireworks collab if will be happen!!”
“The way Ivana reacted and starstruck kay Josh, omgg halatang halata ka guuuurl!! Crush na crush!”
“I think you and josh would be the best pair if ever man na mag collab kayo or be a part of your channel. Madami kaming umaasa.”


Read Also: Jamill, Binebenta na ang Mamahaling Ari-Arian! Tinatakasan nga ba ang BIR?
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment