Mahigit isang taon na rin simula nang isiwalat ng former celebrity couple na sina Nadine Lustre at James Reid ang kanilang hiwalayan. Matatandaang noong January 2020 nang isapubliko ng dalawa ang paghihiwalay nila matapos ang ilang taong relasyon. At mukhang unti-unti na ring naka-move on ang dalawa mula sa isa’t-isa.
Noong una’y inakala ng mga JaDine fans na muling magkakabalikan si James at Nadine. At kahit pa namataan silang magkasama sa mga public events, nilinaw ng dalawa na nais lang nila manatiling magkaibigan. Kaya naman natuwa ang mga fans ng aktres ng malaman na may bagong love interest na ito ngayon.

Read More: Long Mejia, Humingi ng Tawad kay Ellen Matapos Ito Tawaging “Unprofessional”
Kamakailan lang, naging usap-usapan sa social media ang mga kumakalat na larawan ni Nadine kasama ang isang foreigner.
Isang netizen sa Twitter ang nag-post ng larawan ni Nadine, na patagong kinuha sa isang exclusive resort sa Siargao, kung saan makikitang mayroon siyang kasamang foreigner na lalaki.
Ayon sa sources, si Christophe Bariou ay isang half-French at half-Filipino na business owner. Mayroon rin daw itong luxury resort sa Siargao, kung saan nagbakasyon si Nadine at ang kanyang mga kaibigan kamakailan lang. Siya rin ang owner at co-founder ng online magazine na BE Siargao.


Sa kabilang banda, masaya naman ang mga fans dahil mukhang nage-enjoy si Christophe at Nadine sa isa’t-isa. Silipin ang mga komento ng fans dito:”Good for her. Hope it’s true. Imagine having the reputation of being unable to let go of your ex? She needs to be happy on her own too.”
“Ganyan nga move on na sa better na lalaki. Pero siguraduhin lang na totohanin ka ni guy hahaha foreigner yan, Nadeng.”
“The guy is tall and good looking. Smart and rich. French pa. Good on ya Nadine.”
“If true then I’m happy for her because she looks happier lately and blooming. I can tell that she’s moved on.”

Read Also: Xian Gaza, Isiniwalat ang Di Umano’y ‘Scam’ ni Rudy Baldwin Kung Saan Kumikita Siya ng Milyones!
Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment