Kilalanin ang Napakagandang Babae na Bumihag sa Puso ng Komedyanteng si Jerald Napoles

Isa sa mga pinakahinahangaang aktor ngayon ay si Jerald Napoles. Ilang blockbuster na pelikula at soap opera na ang pinagbidahan ni Jerald, dahil sa angking talento nito sa pag-arte. Kilala si Jerald sa pagiging magaling na komedyante, kaya naman tumataka na siya sa puso at isipan ng mga manonood. Dahil dito, hindi na nakakapagtaka kung bakit maraming babae rin ang nahuhumaling sa kanya.

Ngunit kung isa ka sa mga babaeng humahanga sa talentadong aktor na ito, paniguradong madidismaya ka sa mababasa mo ngayon! Kasalukuyan ay mayroon ng babaeng nagpapatibok sa puso ng aktor na ito. Siya ay walang iba kundi si Kim Molina, na isa ring magaling at hinahangaang aktres katulad ni Jerald.

Read also: Mariel Padilla, Balik Alindog na! Ipinamalas ang Kanyang Sexy Figure Matapos ang Weight Loss Program

Hindi basta basta ang love story ni Kim at Jerald. Matagal na silang magkakilala, lalo pa’t parehas silang nasa industriya ng showbiz. Limang taon ring naging magkaibigan muna si Jerald at Kim bago natuloy sa pag-iibigan ang kwento nila. Ayon kay Jerald, noong una ay pinag-iisipan niya pa kung liligawan niya si Kim.

“Na-atract ako kay Kim, pero hindi kasi ako yung kapag a-attract, ‘Ligawan ko ‘to.’ Meron muna akong, try ko nga. Ayokong mag-pretend, hindi bagay sa akin yung mag-pretend. Honestly, Kim and I have the same outlook in life. We take everything one step at a time.”

Nang magsimula ang pandemic, aminado rin si Jerald na nag-lockdown sila ng kanyang girlfriend sa iisang bubong. Mukhang blessing in disguise naman ito para sa couple dahil mas lalo pa raw silang naging mas malapit sa isa’t isa. Ngunit nang matapos ang lockdown, bumalik na sila sa kani-kanilang bahay dahil ‘strict’ daw ang kanilang parents.

Sa kabilang banda, maraming netizens naman ang talagang kinikilig sa tambalan ng dalawang ito. Kaya naman hindi na nakakapagtaka kung bakit sila binansagang ‘couple goals.’ Sa Instagram, madalas ring ibahagi ni Kim at Jerald ang kanilang mga larawang magkasama.

Read also: Fans, Napansin ang Kakaibang Binulong ni Julia kay Joshua sa Taping ng “Paubaya!”

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag atubiling mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment