Sa panahon ngayon, hindi maipagkakailang talamak na ang mga bashers sa social media na mahilig mag bodyshaming. Maging mga celebrities at sikat na personalidad ay hindi ligtas mula sa mapanuring mata ng mga bashers. Kabilang na sa kanila ang Kapuso actress na si Kris Bernal, na nakaranas na rin ng bodyshaming sa social media.
Kilala rin si Kris Bernal sa kanyang pagiging fitness buff. Madalas ay ibinahagi ng 32-anyos na aktres ang kanyang diet at exercise regime sa Instagram.
Kita rin naman ang magandang results dahil sa toned physique ni Kris Bernal. Ngunit ang masaklap dito ay may mga bashers pa rin na pumupuna sa kanyang katawan.


Read More: Jeric Raval, May Mensahe sa mga Taong Hinuhusgahan Siya Dahil sa 18 Anak Niya sa Iba’t-Ibang Babae
Kamakailan lang, nag-flaunt si Kris Bernal ng kanyang toned abs sa Instagram. May kalakip rin itong mensahe tungkol sa body positivity.
Ayon sa aktres, hindi siya apektado ng mga bashers dahil hindi naman mahalaga ang mga opinyon nila para sa kanya. Mas importante daw ang kanyang well-being.
“In a time when emotional and mental wellbeing are gravely impacted, I hope more people will normalize our bodies for keeping us alive (No matter what shape it’s in!). Normalize shunning “beauty standards” because there’s none. We are all strong and beautiful just as we are.”


Nanawagan rin ang aktres na iwasan na ang pagkakalat ng negative vibes sa social media. Ayon sa kanya, labis lang talaga siyang nag-e-enjoy sa pagwo-work out dahil nakakatulong ito sa kanyang mental health. Ipinaalala rin niya na kahit ano pang panlabas na anyo mo, lahat tayo ay maganda sa ating sariling paraan.
Sa kabilang banda, maraming netizens at fellow stars naman ang umagree kay Kris. Ayon sa kanila, dapat ay tigilan na ng mga bashers ang bodyshaming sa social media, lalo pa’t hindi naman ito nakakatulong sa self-esteem ng mga taong pinupuna nila.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment