Janno Gibbs, 'Tinablan' nga ba sa Threesome Scene Nila ni Maui Taylor at Rose Van Ginkel?

Kilala ang direktor at film producer na si Darryl Yap sa mga mapangahas na tema ng pelikula nito. Ilang beses na rin itong pinag-usapan sa social media dahil sa kanyang mga pelikula na tumatalakay ng maselang paksa na ‘malaswa’ para sa karamihan. At ngayon ay may panibago na naman itong pelikula na aabangan ng mga netizens.

Naging hot topic sa social media ang upcoming film na “69+1” ni Darryl Yap. Inaabangan rin ng mga fans ang performance ng mga beteranong cast na sina Maui Taylor, Janno Gibbs, at Rose Van Ginkel.

Ang pelikulang ito, gaya ng “Revirginized” ni Sharon Cuneta, ay puno rin ng mapangahas na scenes na talaga namang magpapabugso ng damdamin ng viewers.

Read More: Ellen Adarna, Labis ang Stress Matapos Di Makita ang Anak ng 20 Days Dahil sa False Positive Result ng Swab

Gaganap si Janno Gibbs bilang isang third party sa lesbian couple na sina Maui at Rose. At dahil sa naggagandahang leading ladies niya, curious rin ang mga fans kung ‘tinablan’ nga ba ang beteranong aktor habang nagshu-shooting. Sa kanyang interview ay ibinahagi ni Janno ang kanyang karanasan.

“May love scenes na kaming tatlo ang magkakasama, but the thing is it’s all presented in a comedic way kaya mas nakampante ako. Hindi naman siya yung serious na sexy. Sa shooting naman, shooting those scenes was comfortable enough because the three of us know each other. We’ve worked together before at medyo naging friends na rin kami.”

Dagdag pa ni Jano, hindi naman daw malaswa ang pinagawa sa kanila ni Direk Darryl, kaya naman kinaya niya ito. Nakatulong rin daw ang pagiging professional ng kanyang fellow actors, kaya’t hindi siya nailang habang ginagawa ang kanilang mga sizzling scenes.

“They’re very professional, sobrang daling gawin yung scenes because they’re one hundred percent dedicated to the film. Maraming tao ang nanonood, maraming ilaw, so hindi ka na makakaramdam ng malisya. Ikaw ba makakaramdam ng malisya, ang daming nakatutok?”

Gayunpaman, hindi raw ito ipapanood ni Janno sa kanyang asawang si Bing Loyzaga at sa kanilang mga anak dahil ‘awkward’ ito.

Read Also: “Maging under ka!”- Nanay ni Neil Arce, Pinayuhan ang Anak sa Pag-aasawa Nito kay Angel Locsin

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment