Matapos ang kanyang maanghang na statement laban kay Ellen Adarna, muling naglabas ng saloobin ang komedyanteng si Long Mejia. Sa pagkakataong ito, humingi siya ng tawad sa aktres dahil sa panghuhusga niya sa maaga nitong pag-alis sa set. Ayon kay Long, mayroon na palang napagkasunduan si Ellen sa production staff.
Matatandaang noong August 5 nang maghimutok si Long Mejia sa kanyang interview sa Philippine Entertainment Portal. Ayon kay Long Mejia, bigla na lamang umalis sa taping ng “John En Ellen” si Ellen Adarna, na siyang nagpaantala ng shoot nila. Tinawag niya rin itong “unprofessional.”

Read Also: Rob Moya, Ibinahagi ang Reaksyon ni Toni at Tyronia sa Regalo Niyang Gold na Alahas
Ngunit sa kanyang follow-up statement, inamin ng beteranong komedyante na nagkamali lamang siya.
Hindi niya raw alam na mayroon na palang usapan si Ellen at ang production staff. Kaya naman nagpakumbaba siya at humingi ng tawad sa aktres at sa iba pang nadamay.
“Ellen, ako ay tiklop-tuhod na humihingi sa iyo ng pasensya. Pasensya ka na. Huwag ka magagalit sa akin. Medyo hindi ko alam kung ano ang mga pangyayari. Kung may nasabi man ako dun sa PEP Talk, pagpasensyahan mo na ako.”


“Ako ay humihingi ng tawad. Dala po ng opinyon lang po yung sa akin, yung nasabi ko tungkol kay Ellen Adarna.”
Dagdag niya pa, magkaibigan naman sila ni Ellen at sa totoo’y nalungkot rin siya sa pag-alis nito. Matapos daw ang kanyang interview ay may nagparating sa kanya na nakapagpaalam na si Ellen sa production staff na aalis siya sa programa.
“Kaya kay Ellen Adarna, kaibigan naman kita Ellen, sabi ko nga. Pasensya ka na rin dahil nung araw nga na iyon na sinabing ikaw ay aalis na, e nalungkot din ako. Biruin mo, di na tayo magkikita. E, pasensya ka na, Ellen. Wala naman akong ibang ibig sabihin. Pasensyahan mo na rin ako.”

Read Also: Coco Martin, Ninenerbyos Muling Makatrabaho si Julia Montes sa “Ang Probinsyano”
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment