"Walang kahihiyan!"- Cristy Fermin, Sinupalpal si Jinkee Pacquiao Dahil sa Mamahaling Gamit Nito

Kamakailan lang ay naging usap-usapan ang laban ni Senator Manny Pacquiao at Yordenis Ugas. Ngunit kahit pa naging legendary ang laban ni Pacquiao at Ugas, naging agaw-pansin rin ang misis ni Manny na si Jinkee Pacquiao. Kada laban ng “Pambansang Kamao” ay hindi nawawala si Jinkee, at inaabangan rin ng mga audience ang kanyang outfits.

Sa nakaraang laban ni Pacquiao ay naka-all pink ensemble naman si Jinkee. Tinatayang umabot ng Php 2 million ang kabuuang halaga ng kanyang get up! Ngunit mukhang hindi lahat ay nai-impress sa fashion style ni Jinkee. Kabilang na sa kanila ang kontrobersyal na showbiz columnist na si Cristy Fermin.

Read More: Kuya Josh, May Alitan nga ba kay Bimby Kaya Lumisan na sa Poder ni Kris Aquino?

Binatikos ni Fermin si Jinkee sa social media dahil sa di umano’y pagbabalandra nito ng kanyang mamahaling gamit.

Inilarawan pa ni Fermin na “walang kahihiyan” si Jinkee, at dapat daw ay hindi na nito inilalantad ang kanyang kayamanan sa kalagitnaan ng pandemic.

“Kung mayroon siyang pakialam, dapat ‘di niya inilalantad ang kanyang kayamanan sa pamamagitan ng kanyang mga kagamitan. Wala pong kahihiyan si Jinkee Pacquiao. Andami-daming nagugutom na pamilya, ipagpaparadahan mo lahat ng binibili mo. Wala ka sa timing. Hindi ka marunong umunawa sa sitwasyon ng mundo ngayon,” dagdag pa nito.

Sa kabilang banda, umani naman ng iba’t-ibang reaksyon sa social media ang maanghang na pahayag na ito ni Cristy.

Ayon sa ibang netizens, walang masama sa pagpo-post ni Jinkee ng kanyang mga mamahaling gamit, dahil hindi naman ito galing sa nakaw at pinaghirapan naman ng kanyang asawa ang kanilang yaman.

Dagdag pa ng iba, marami ring natulungan ang mag-asawang Pacquiao sa kalagitnaan ng pandemic. Kahit pa hindi nila isinisigaw sa social media ay patuloy ang pagtulong ni Manny at Jinkee sa mga nangangailangan, kaya naman hindi nila deserve na ma-bash dahil dito.

Read Also: Mona Alawi, Isinugod sa Ospital Bago ang Kanyang 17th Birthday Dahil sa Matinding Karamdaman Niya

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment