Matapos ang mahabang pananahimik, sa wakas ay nagsalita na si Bea Alonzo tungkol sa isyung kinasangkutan ng kanyang matalaki na kaibigang si Janus del Prado. Hindi lingid sa kaalaman ng marami na kamakailan lang, binatikos ni Janus ang ex ni Bea na si Gerald Anderson dahil sa di umano’y ‘insincere’ apology nito kay Bea.
Sa kanyang nakaraang interview, ibinahagi naman ni Bea na naiintindihan niya ang pinaghuhugutan ni Janus.
Ayon sa aktres, concerned at protective lamang si Janus, kaya naman hindi nito mapigilang mag-react tuwing nakikita niya na nadadawit si Bea sa mga kontrobersya.


Read More: Derek Ramsay, Sinagot Kung Imbitado ba si John Lloyd sa Nalalapit Nilang Kasal
“I love them. Lumaki kami nang magkakasama. At itong kaibigan ko, nasasaktan sila kapag nakakarinig ng mga bagay concerning me. They tend to be protective of me, and they speak for me. Kasi, kaya ko ring makipagpatayan sa mga friends ko, I guess it goes both ways,” pahayag ng aktres.
Dagdag pa ni Bea, hindi rin naman daw magsasalita si Janus kung wala itong naririnig mula kay Gerald. Matatandaang noong August 20 nang humingi ng tawad si Gerald kay Bea sa kanyang interview. Gayunpaman, mukhang hindi tumalab ang pagso-sorry niya sa aktres.

Nang tanungin si Bea kung napatawad niya na nga ba ang ex na nanloko sa kanya, naging tapat siya sa kanyang pahayag.
Ayon dito, hindi lamang sapat ang paghingi ng sorry, dahil mas mahalaga na akuin ang mga pagkakamali at maging responsable sa aksyon nito.
“Ang plastik ko naman kapag sinabi kong napatawad ko na siya. It’s not about asking for forgiveness, it’s taking accountability and being responsible for your actions. Let’s just leave it at that,” dagdag pa ni Bea patungkol sa kanyang ex-boyfriend.

Read Also: Jamill, Binebenta na ang Mamahaling Ari-Arian! Tinatakasan nga ba ang BIR?
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment