Pauleen Luna, Pinaiyak si Danica Sotto Dahil sa Sinabi Niya Tungkol Kay Vic

Bibihira ka ng makakatagpo ng true love sa panahon ngayon. Kaya naman kung mahahanap mo ito ay wag mo ng pakakawalan pa! Gaya na lamang ng pag-iibigan ng celebrity couple na sina Pauleen Luna at Vic Sotto. Noong una, kahit pa marami ang nagdududa sa kanilang pagsasama, pinatunayan ni Vic at Pauleen na tunay ang kanilang pag-iibigan sa isa’t-isa.

Taong 2016 nang ikasal si Pauleen at Vic, at di nagtagal ay nabiyayaan sila ng anak na si Baby Talitha Sotto. Sa ngayon ay kabilang sila sa mga tinaguriang power couples sa industriya ng showbiz, dahil kahit anong kontrobersiya ang ibato sa kanila ay nalalagpasan nila ng magkasama.

Read Also: Aljur Abrenica, Masaya Raw sa Buhay Ngayon sa Kabila ng Hiwalayan Nila ni Kylie

Kahit pa mayroon silang 34-year age gap, hindi ito naging hadlang sa kanilang pagsasama. Sa katunayan, inamin ni Pauleen na mas lalo lang tumitibay ang pagmamahal niya sa kanyang mister.

Kamakailan lang ay nagbahagi ito ng taimtim na appreciation post para kay Vic sa kanyang official Instagram account.

“I wish you can open my heart and see how much I love you. I don’t know if I say it out loud, but you are the best part of my life and I wouldn’t have it any other way. Thank you for loving, caring, and most especially treating me with respect. I love you so muuch,” pahayag ni Pauleen.

Maging ang anak ni Vic na si Danica Sotto ay hindi mapigilang maging emosyonal matapos makita ang mensahe ni Pauleen.

Napa-comment rin si Danica at sinabing napaluha siya sa mensahe ni Pauleen para sa kanyang ama: “Bakit ako naiiyak?”

Sa kabilang banda, maraming netizens naman ang kinilig rin sa mensaheng ito ni Pauleen para sa kanyang mister. Talagang napakaswerte nila sa isa’t-isa!

Read More: Ogie Diaz, May Prangkang Advice kay Dani Barretto Tungkol kay Kier: “Mag-Ama pa rin Kayo”

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment