Hunk Actor, Nangutang ng P30k Mula kay Lolit Solis Para sa Pang-Gatas ng Sanggol na Anak

Maraming pamilya ang apektado ng pandemic. Mahirap man o mayaman, lahat ay nararamdaman ang epekto ng pandemya sa ating pang-araw araw na pamumuhay. Kahit mga artista at sikat na personalidad ay may mga pinagdaanang pagsubok rin dahil sa kawalan ng projects. Isa na sa kanila ang beteranong aktor na si Mark Herras.

Kamakailan lang, maraming fans ang nabigla nang isiwalat ng showbiz insider na si Lolit Solis na di umano’y nanghiram ng pera sa kanya si Mark.

Sa kanyang weekly online show, ibinahagi ni Solis na nag-reach out sa kanya ang Kapuso actor upang manghiram ng pera para may maipambili ng gatas ang anak nito.

Read Also: John Regala, Isiniwalat ang Kinikimkim na Saloobin sa Fake News na Pumanaw na Siya

Ayon kay Lolit Solis, humiram ng P30,000 si Mark sa kanya. Gagamitin daw itong pangtustos ng gatas at pangangailangan ng kanyang anim-na-buwang gulang na anak. Hindi naman mapigilang mag-advice ni Lolit sa kanyang dating alaga bago ito pahiramin ng pera.

“Nay, pambili ng gatas formula milk ng anak ko. Sabi ko talaga, Thirty thousand lang, wala ka? Eh, buti pa pala ‘yung personal assistant ko, may P50,000! Naku, talagang inalipusta ko siya!”

Nangako naman ang aktor na ibabalik niya ang pera ngayong Agosta, dahil mayroon siyang bagong project. Nagkataon lang daw talaga na nagipit sila ng kanyang partner, kung kaya naman naisipan niyang lumapit kay Lolit Solis, na tila ba naging ina-inahan niya na rin sa showbiz.

Nag-advice rin si Solis na wag masyadong maging kampante si Mark pagdating sa kanyang mga projects.

“Mark, huwag ka pakasiguro. Si ano nga, nag-lock-in taping, nu’ng matapos, na-shelve ang project!’ Ang ibig ko lang i-point out particularly sa kanya, mag-focus siya sa trabaho niya. Kaso, hindi! Look, naungusan na tuloy siya. All the more na may responsibilidad ka na, dapat kang magsipag!”

Read More: Kris Bernal, Nagsalita na sa mga Bashers na Tinatawag Siyang ‘Buto’ at ‘Kalansay’ sa Social Media

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment