Taong 2019 nang pumutok sa showbiz ang kontrobersya ng hiwalayan ni Gerald Anderson at Bea Alonzo. Matapos ang ilang taon nilang relasyon, isiniwalat ng aktres na bigla na lamang siyang hindi pinansin ni Gerald. Noong mga panahong iyon nadawit sa isyu ang leading lady ni Gerald na si Julia Barretto, na girlfriend na niya ngayon.
Sa kanyang nakaraang interview, aminado si Gerald na masaya siya para sa kanyang ex-girlfriend at sa bagong boyfriend nito. Kamakailan lang ay inamin ni Bea na official na ang relasyon nila ni Dominic Roque.
Ngunit ayon kay Gerald, kung bibigyan siya ng pagkakataon ay nais niyang mag-reach out kay Bea upang humingi ng tawad.

Read More: Bea Alonzo, May Mensahe sa ‘Insincere’ Apology ni Gerald Anderson sa Kanya!
At kahit pa hindi na sila nag-uusap ni Bea, umaasa pa rin si Gerald na mapapatawad siya nito pagdating ng panahon. Matatandaang si Bea rin mismo ang nagsabi na ‘time is the truth teller’ sa pagbubuking ng relasyon ni Gerald at Julia.
“More siguro kay Bea. I mean, huwag na po tayo siguro mandamay ng ibang tao. I really pray, I really hope she will find it in her heart to forgive what happened, forgive me. Nag-ho-hope lang ako,” pahayag ni Gerald, kung saan nakiusap siya sa ex-girlfriend niya na wag nang mandamay pa ng iba.


Ngunit uubra naman kaya kay Bea ang apology na ito? Sa kanyang interview, mukhang hindi impressed ang Kapuso actress sa ‘insincere’ na apology ni Gerald.
Ayon kay Bea, walang saysay ang paghingi ng tawad nito kung hindi naman aakuin ni Gerald ang mga pagkakamali na ginawa niya.
“Ang plastic ko kasi pag sinabi kong pinatawad ko na siya matagal na. It’s not about forgiveness or asking for forgiveness. It’s about taking accountability and responsibility for your actions. Madali kasi humingi ng sorry, ng pagpapatawad, pero anong gagawin mo pagkatapos noon?”


Read Also: Ivana Alawi, Napatili sa Kilig Matapos i-Greet ng Kanyang Ultimate Crush sa Showbiz!
Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment