Rudy Baldwin, Nagbanta na Kakasuhan sa NBI si Xian Gaza Dahil sa Paninirang-Puri Nito Online

Kamakailan lang ay nagkaroon ng mainit na sagutan ang social media influencer na si Xian Gaza at ang kilalang manghuhula na si Rudy Baldwin. Inakusahan ni Gaza ng panloloko ang manghuhula dahil sa di umano’y ‘scam’ nito sa kanyang mga followers na naniniwala sa kanyang mga pangitain.

Ayon kay Xian Gaza, ilan sa mga dating supporters ni Rudy Baldwin ang lumapit sa kanya. Isiniwalat daw ng mga ito ang panlolokong ginawa sa kanila, kung saan matapos silang hulaan ni Baldwin ay bebentahan sila nito ng amulet o anting anting na nagkakahalaga ng mahigit P20,000 hanggang P50,000.

Read Also: Rob Moya, Ibinahagi ang Reaksyon ni Toni at Tyronia sa Regalo Niyang Gold na Alahas

“Gumagawa siya ng vision, tapos kapag tumama madadagdagan kredibilidad niya. Magpapahula ang iba tapos magpapabayad siya. Kumikita ng 1M-2M dahil sa panloloko niyang ito,” pahayag ni Xian Gaza sa Facebook. Ayon pa dito, puro peke at tsumatsamba lamang ang mga pangitain ni Rudy Baldwin gaya na lamang ng pagpanaw ng mga sikat na celebrities.

Ayon pa dito, hindi siya makapaghintay na hulihin ng National Bureau of Investigation si Rudy Baldwin sa mga di umano’y panlolokong ginagawa nito sa kapwa.

Sa kabilang banda, agad namang sinagot ni Baldwin ang mga paratang na ito ni Xian at tahasan niyang itinanggi na ginagatasan niya ang kanyang mga followers.

Nagbabala rin si Baldwin na kung sakali mang magpa-imbestiga si Xian sa NBI ay hindi niya ito aatrasan. Ayon pa sa kanya, handa siyang harapin mismo si Xian Gaza upang matigil na ang mga kinakalat nitong maling balita tungkol sa kanya.

“NBI ba kamo? Gusto ko yan tignan natin sino makulong, ang nag-akusa o ako? Yung kwento mo master albert harap mo din, kasama ka na din master albert para masaya. I love NBI,” dagdag pa ni Baldwin sa kanilang argumento sa comment section.

Read Also: Coco Martin, Ninenerbyos Muling Makatrabaho si Julia Montes sa “Ang Probinsyano”

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment