Isang Hunk Actor, Ginulat ang Publiko sa Kanyang Rebelasyon Tungkol sa Kanyang Pagkatao

Kamakailan lang, isiniwalat ng former actor and host na si Raymond Gutierrez ang katotohanan tungkol sa kanyang pagkatao. Sa isang exclusive interview para sa Mega magazine entertainment feature, ibinahagi ni Raymond na kabilang siya sa LGBTQ community. Ayon sa kanya, ito raw ay “open secret” na sa industriya.

“I’m here to formally say that I am a proud member of the LGBTQ community. I am out to a lot of my close friends, and I’m lucky that I have that support system around to give me the confidence to really accept who I am and to love myself because not a lot of people have that,” pahayag ni Raymond.

Read Also: Cassy Legaspi, Ibinuking ang Kanyang Ideal Man na Singer-Dancer! Si Darren Espanto nga ba ang Tinutukoy Niya?

Ngunit bago pa man siya maging komportable na ibuking ang kanyang pagkatao, marami ring pinagdaanan si Raymond.

Noong siya nagsisimula pa lamang sa showbiz, nakaranas rin siya ng discrimination mula sa ibang artista dahil hindi pa daw ito katanggap-tanggap noon.

Ito rin ang naging dahilan kung bakit bumaba ang self-confidence ni Raymond. Madalas rin daw siyang naikukumpara sa kanyang kakambal na si Richard. Ngunit malaki ang pasasalamat niya sa kanyang pamilya at malapit na kaibigan dahil tanggap siya ng mga ito simula’t sapul pa man.

“I wanna empower those people. I wanna tell them that, ‘You’re not alone. I was going through the same thins.’ I think it’s more important than ever just because I want to be an example to the next generation who are struggling, who are feeling suppressed to take time in finding themselves and being happy with themselves,” dagdag pa ni Raymond.

Sa kabilang banda, umani ng positibong reaksyon mula sa social media ang rebelasyong ito. Marami ring fellow celebrities ni Raymond ang nagpahayag ng suporta sa host.

Read More: Basher, Natameme Matapos Diretsahang Sagutin ni Ai-Ai delas Alas ang Pambabatikos Nito kay Gerald

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment