Jerald Napoles, Napaiyak at Napamura Matapos Malaman ang Sinabi ni Sharon Tungkol sa Kanya

Isa si Sharon Cuneta, o mas kilala bilang ‘Megastar’ sa mga hinahangaang beteranong aktres ngayon sa showbiz. Sa ilang dekada ni Megastar sa larangan ng pag-arte, hindi maitatanggi ang angking talento at professionalism nito. Kaya naman maraming artista ang nais makatrabaho si Sharon.

Para sa karamihan, ang makasama si Sharon sa proyekto ay isa ng malaking achievement. Kaya naman kung napuri ka ni Sharon ay napakalaking bagay na rin! Ito rin ang dahilan kung bakit halos napaiyak at napamura sa tuwa ang aktor na si Jerald Napoles matapos siyang purihin ni Sharon.

Read More: “I am now 94 years old”- Tatay ni Angel Locsin, Humiling ng Apo Mula sa Bagong-Kasal

Nagkasama si Sharon at Jerald sa pelikula ni Darryl Yap na “Revirginized,” kung saan naging leading man ni Sharon si Marco Gumabao.

Sa press conference ng pelikula, pinuri ni Sharon ang kanyang mga co-stars, ay may pa-special mention pa si Marco Gumabao at Jerald Napoles dahil humanga daw siya sa mga ito.

“Sinabi ko na kay Jerald noon pa na gusto ko siya makasama sa work. Isa siya sa pinakamagaling na artista kahit saan mo ilagay, para sa akin. Si Kim Molina din napakahusay sana makasama ko din siya! Pero ako na president ng Jerald Napoles Fan Club! Ang bait at nakakatawa pa ng taong ito! Congrats to you Kim and Jerald.”

Ayon kay Sharon, napabilib siya sa galing sa pag-arte ni Jerald. Nakakatuwa rin daw itong kasama sa set dahil sa sense of humor nito. Humirit rin si Sharon na nais niyang maka-trabaho ang girlfriend ni Jerald na si Kim Molina.

“TANGENA !!! WHAAAAT !? Ma’am!! Grabe naman ‘tong sinabi n’yo!!! Pucha di ko alam sasabihin ko. Iyak muna ko MARAMING SALAMAT PO! Parang gusto mo lalong gumaling. Sakaling magka-trabaho kaming dalawa, gagalingan ko pa,” sagot naman ng aktor.

Read Also: “Dalawa silang dine-date ko”- Luis Manzano, Inamin kay Jessy Mendiola na Nag-Cheat na Siya Dati

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment