Ivana Alawi, Inakusahan na Nakipag-Flirt sa Isang Lalaking May Girlfriend na!

Si Ivana Alawi ang itinuturing na “Pantasya ng Bayan” sa showbiz industry. Dahil sa kanyang taglay na kagandahan at kaseksihan, hindi na rin nakakapagtaka kung bakit lagong lumago ang fan base ni Ivana. Ngunit kahit pa karamihan sa kanyang fan base ngayon ay puro kalalakihan, aminado naman ang 24-anyos na Youtube sensation na wala siyang boyfriend.

Ayon kay Ivana, sa ngayon ay hindi pa siya ready na magkaroon ng jowa. Marami ang nagtatangkang manligaw sa kanya, ngunit mas pinili raw ni Ivana na mag-focus muna sa kanyang career at pamilya. Kaya naman labis na lang ang pagkagulat ni Ivana matapos siyang akusahan ng isang netizen na nang-agaw ng jowa!

Read Also: “Ayoko talaga sayo!”- Donita Nose, Prangkang Inamin kay Michelle na Ayaw Niya Dito Para Kay Tekla

Sa kanyang latest “Reading Mean Comments” na vlog, nagulat si Ivana matapos mabasa ang comment ng netizen na ito. Ayon sa babae, malandi raw si Ivana dahil di umano’y nakikipag-flirt ito sa kanyang boyfriend. Maging ang kapatid ni Ivana na si Mona Louise Rey ay labis na nagulat matapos marinig ito.

Tahasan naman itong itinanggi ni Ivana. Imbes na seryosohin ay tinawanan niya na lang ang rumor na ito. Ayon sa 24-anyos na aktres, kailanman ay hindi niya naranasang makipag-flirt sa mga lalaking may sabit na o may partner na, dahil naranasan niya na ring maloko dati ng kanyang ex-boyfriend.

“Buti ka pa te, alam mong nilandi ko jowa mo. Kasi ako hindi ko alam na nilandi ko yung jowa mo. Wala akong kalandian.

“Hindi ko nga kilala day eh. At mas lalong hindi ako lumalandi ng may ka-relasyon. Wag ka mainsecure, kalma ka lang teh,” pabiro pang dagdag ni Ivana.

Sa kabilang banda, maraming netizens naman ang napa-comment sa video na ito ni Ivana. Natawa rin sila sa paratang ng basher na ito, dahil alam ng mga fans ang totoong ugali ni Ivana, pagdating na sa lovelife.

Read Also: Sheryl Cruz, Lantarang Nag-“Love You” sa Rumored Boyfriend na si Jeric Gonzales!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment