Nitong August 31, isa na namang artista ang tuluyan ng namaalam sa atin. Maraming fans ang hindi makapaniwala sa biglaang pagpanaw ng sikat na komedyante na si Mahal. Si Mahal, o mas kilala bilang Noemi Tesorero, ay tuluyan ng pumanaw. Hindi naman ibinahagi ng kanyang mga kamag-anak ang sanhi ng pagpanaw nito.
Kumalat ang balita sa social media matapos mag-post ang kapatid ni Mahal na si Irene Tesorero: “Ang aming kapatid na si Mahal ay pumanaw na. Wala pa schedule sa kanyang burol due to covid restriction,” pahayag ni Irene, ngunit hindi rin nilinaw kung may karamdaman ba ang komedyante.


Read More: Bea Alonzo, May Mensahe sa ‘Insincere’ Apology ni Gerald Anderson sa Kanya!
Sa kabilang banda, maraming netizens naman ang talagang nagulat sa balitang ito. Hindi makapaniwala ang mga fans na wala na ang komedyanteng ito, lalo pa’t aktibo ito sa social media.
Matatandaan ring mayroong patok na Youtube channel si Mahal, kung saan mapapanood ang kanyang mga vlogs.
Dahil sa nakakalungkot na balitang ito ay bumuhos naman ang prayers at condolences ng mga netizen sa social media.
Marami ang nagpahatid ng kanilang pakikiramay sa naiwang pamilya ni Mahal, na paniguradong nagluluksa sa biglaang pagpanaw ng kanilang mahal sa buhay.

Kabilang na sa mga nagpahatid ng nakakaiyak na mensahe ay ang komedyanteng si Brenda Mage. Sa Facebook ay kinumpirma ni Brenda ang balita, ngunit hindi naman niya idinetalye ang sanhi ng pagpanaw nito.
Ayon kay Brenda, napalapit na rin siya kay Mahal matapos silang tumira sa iisang bubong at magkasama sa mga road shows.
“Ang tapang mo umabot ng ganyang edad sa kalagayan mo. Bago ka nawala, nakagawa ka pa ng napakabuting gawain sa partner mong si Mura. Mahal ka ng lahat. Mahal na mahal ka namin Mahal. Pahinga na aming munting Mahal. Noemi Tesorero may you rest in peace.”

Read Also: Ivana Alawi, Napatili sa Kilig Matapos i-Greet ng Kanyang Ultimate Crush sa Showbiz!
Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment