Matapos ang mahabang paghihintay, sa wakas ay ikinasal na rin ang celebrity couple na sina Angel Locsin at Neil Arce. July 26 nang ikasal si Angel at Neil sa isang simpleng seremonya sa Taguig City Hall. Saksi sa kasalan ng dalawa si Mayor Lino Cayetano at ang kanilang mga mahal sa buhay at malalapit na kaibigan.
Noong July 14 ay nagbahagi ng bagong vlog entry si Angel at Neil. Sa kanilang bagong vlog, ibinahagi ng Kapamilya aktres ang mga detalye ng kanilang simple ngunit nakakakilig na civil wedding.
Ayon kay Angel, una nilang pinagplanuhan ang magkaroon ng church wedding, ngunit dahil sa pandemic ay hindi ito natuloy.

Read More: John Prats at Isabel Oli, Excited na sa Pagpapatayo ng Kanilang Bonggang Dream Home!
Hindi rin daw nila nagawang imbitahin ang iba nilang kaibigan at kamag-anak dahil sa COVID restrictions. Kaya naman pili lamang ang bisita ng dalawa.
Gayunpaman, mas prefer daw ni Angel ang kanilang intimate wedding kahit pa kakaunti lamang ang nakasaksi.
“It’s very intimate, it’s very simple, it’s very us, di ba? Hindi talaga namin siya naisama sa plano pero dahil ni-request niyo. Gumawa kami ng paraan para ma-share ang civil wedding. Siyempre, hindi naman namin naimbita lahat nung mga tao. Nung time na iyon, bumabagyo pa. Surprisingly, yun lang yung araw na umaraw,” paglalarawan ni Angel.

Ayon naman kay Neil, isa sa mga pinaka memorableng moments niya ay ang pagpila nila sa elevator sa city hall. Dala-dala ni Angel ang kanyang bouquet, at nakapila ang dalawa sa labas dahil apat-apat lamang ang pinapasakay sa elevator.
Nagbiro rin ang tatay ni Angel na si Daddy Angelo. Ayon dito, naghihintay na rin siya ng apo mula kay Angel at Neil: “I am now 94 years old and I wish that Neil and Angel will soon give me a grandchild,” pahayag nito.
Read Also: Hunk Actor, Nangutang ng P30k Mula kay Lolit Solis Para sa Pang-Gatas ng Sanggol na Anak

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment