Isa si Regine Velasquez sa mga hinahangaang singer ngayon sa industriya ng showbiz. Dahil sa kanyang golden voice, binansagan rin siyang “Asia’s Songbird.” Ngunit alam niyo ba na bago siya makilala sa pagkanta, nakaranasan rin ng bullying si Regine? Kamakailan lang ay nag-open up siya tungkol sa mga mapait niyang pinagdaanan.
Ayon kay Regine, noong nagsisimula pa lang siya sa pagkanta ay madalas siyang makatanggap ng masasakit na komento mula sa ibang tao.
Nasabihan na rin daw siya na hindi siya sisikat dahil hindi siya ‘masyadong maganda.’ Sa kabila nito, hindi naman hinayaan ni Regine na maapektuhan siya ng mga opinyon ng iba.


Read More: Jamill, Binebenta na ang Mamahaling Ari-Arian! Tinatakasan nga ba ang BIR?
“Noong 80s, I was starting and people know that I can sing but they didn’t really think na I’d make it kasi hindi ako masyadong maganda.
‘Yung parang ganun. Hindi ako kagandahan. I’ve always thought that I was not pretty because I was told I was ugly but that didn’t make me insecure. You don’t have to look at me, but wait ’til you hear me sing.”
Upang hindi siya mahawaan ng negativity, iniiwasan rin daw ni Regine na magbasa ng tabloids noon. Malaki rin ang role na ginampanan ng kanyang mga mahal sa buhay, na laging nag-iinspire at sumusuporta sa kanya upang ipagpatuloy ang pag-abot sa kanyang mga pangarap.


Nagbigay rin siya ng inspiring message para sa kanyang mga fans. Ayon kay Regine, magtatagumpay ka kung magpo-focus ka sa iyong passion dahil dito rin lalabas ang creativity mo.
“Find what you are passionate about. Kasi parang feeling ko, it starts there. Lahat tayo naman nangangarap na ‘sana maging sikat akong artista’ or ‘maging milyonaryo ako’, or whatever there is but you need to find your passion kasi doon lalabas lahat ng creativity mo. You will fail at one point but you’ll learn to stand up and do it again.”
Read More: Jowa Reveal ni Mika Salamanca, Nagpanganga sa mga Fans! Kilalanin ang Boyfriend Niya Dito

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment