Isa si Ivana Alawi sa mga pinakasikat na sexy actress ngayon sa Pilipinas. Hindi man namayagpag ang kanyang career sa showbiz industry, pinalad naman ang 24-anyos na aktres na sumikat sa social media. Sa katunayan, isa siya sa mga pinaka most followed celebrities ngayon sa Instagram at Youtube.
Sa kasalukuyan ay mayroong mahigit 13 million subscribers si Ivana sa kanyang Youtube channel. Dagdag pa diyan ang kanyang 6.9 million followers sa Instagram.
Ngunit kahit pa marami siyang fans na laging sumusuporta sa kanya, hindi pa rin maiiwasan na magkaroon si Ivana ng mga bashers sa social media.


Read Also: “Ayoko talaga sayo!”- Donita Nose, Prangkang Inamin kay Michelle na Ayaw Niya Dito Para Kay Tekla
Kamakailan lang, may isang netizen na nag-iwan ng di kaaya-ayang komento sa Instagram page ng kapatid ni Ivana na si Mona Louise Rey.
Binasa ito ni Mona sa kanilang latest na vlog: “Puro retoke ate Ivana mo. Pangit niya. Dati nakita ko sya sa ABS, pango, flat, sira ngipin. Basta pangit. Puro pagawa naman siya ngayon.”
Itinanggi naman ni Ivana na retokado ang kanyang ilong. Ayon sa Youtube sensation, noon pa man ay aminado siyang pango siya at tanggap niya ito. Upang lalong makumbinsi ang mga fans, ipinapisil pa mismo ni Ivana kay Mona ang kanyang ilong bilang patunay na hindi niya ito ipinagawa.

May isa ring netizen na pumuna sa di umano’y malaswang image ni Ivana. Sinabihan pa siya nitong ‘hubadera.’
Hindi naman natinag si Ivana, at ikinatwiran niyang hindi pa siya nagkaroon ng full nude na photoshoot o project sa buong buhay niya, kaya naman hindi siya matatawag na ‘b*ld star.’
“Nagpapakita lang ako ng pwet tsaka ng bra. Naka-panty at bra ako. Hindi ako naghuhubad ng panty at bra. Masaya lang ako magbikini. Iba yung naghubad ka talaga, or nag-b*ld ka, or nagpakita ng tsuk. Yun ang b*ld star sa akin. Let’s uplift each other, wala kami hatred sa katawan,” dagdag pa nito.
Read Also: Sheryl Cruz, Lantarang Nag-“Love You” sa Rumored Boyfriend na si Jeric Gonzales!


Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment