Muli na namang nag-viral sa social media ang beteranong aktor na si John Regala. Matatandaan noong nakaraang taon nang mabalita ang dating action star dahil sa kanyang nakakahabag na kalagayan ngayon. Mayroon siyang iniindang matinding karamdaman, kaya naman kinailangan ni John ng tulong.
Matapos mag-viral ang kanyang larawan na pagala-gala sa Pasay, agad namang bumuhos ang tulong para sa dating aktor.
Hindi lamang mga netizens, kundi maging sikat na personalidad ay tumulong upang maipa-ospital si John. Nalaman rin na mayroon siyang liver cirrhosis, kaya’t kinailangan nito ng regular na gamot.

Read More: Jeric Raval, May Mensahe sa mga Taong Hinuhusgahan Siya Dahil sa 18 Anak Niya sa Iba’t-Ibang Babae
Kabilang sa mga nagpahatid ng kanilang tulong ay sina Nadia Montenegro, Aster Amoyo, Raffy Tulfo, Vic Sotto, Erap Estrada, Bong Revilla, at marami pang iba. Sa kasamaang palad, hindi rin nagtagal ang pagtulong ng iba dahil sa di umano’y katigasan ng ulo ni John, bagay na itinatanggi naman ng beteranong aktor.
At dahil sa kanyang kalagayan, kumalat rin sa social media ang fake news na di umano’y pumanaw na ang aktor. Maraming netizens naman ang napaniwala dito, at ang iba ay nagpaabot pa ng condolences para sa pamilya ni John Regala. Ngunit agad naman itong pinabulaanan ni John.


Sa kanyang official Facebook account, itinanggi ni John ang mga kumakalat na malisyosong fake news tungkol sa kanya.
Ayon kay John, walang katotohanan na pumanaw na siya, at sana’y tumigil na ang mga netizens sa pagkakalat ng maling balita na ito. Nanawagan rin ito na sana’y mabigyan siyang muli ng hanapbuhay o trabaho.
“Lagi niyo na lang po akong pinapatay sa balita, darating din po sa akin yun. Bigyan niyo muna ako ng trabaho para may pambili ako ng kabaong ko,” pahayag ni John.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment