John Prats at Isabel Oli, Excited na sa Pagpapatayo ng Kanilang Bonggang Dream Home!

Bilang isang artista, hindi habangbuhay na matayog ang takbo ng iyong karera sa showbiz. Kaya naman sa panahon ngayon, karamihan sa mga wais na celebrities ay nagi-invest na sa real estate properties gaya na lamang ng bahay at lupa. Talaga namang napakasarap makitang mayroong napupuntahan ang mga pinaghirapan nila.

Karamihan sa mga artista ay mas piniling magpatayo ng bahay sa probinsya, kung saan mas tahimik ang lugar. Kaya naman dito rin sila naghahanap ng mga properties, gaya na lamang ng bahay at lupa na maaaring maging retirement home nila sa kanilang pagtanda. Kabilang na sa kanila ang celebrity couple na sina John Prats at Isabel Oli.

Read More: Kris Bernal, Nagsalita na sa mga Bashers na Tinatawag Siyang ‘Buto’ at ‘Kalansay’ sa Social Media

Matatandaang noong December 2020 nang ibunyag ni John at Isabel na magpapatayo sila ng kanilang dream home. Matagal rin nilang hinintay at pinag-ipunan ito, kaya naman masaya ang mag-asawa na masimulan ang construction.

“I can’t wait na itayo ‘yung bahay namin dito next year which is five days na lang, itatayo na siya. Uumpisahan na siya. A house is made with walls and beams; a home is built with love and dreams,” ito ang pahayag ng aktor noong October 2020, kung kailan una niyang pinakita ang lote na pagtatayuan ng kanilang tahanan.

At kahit pa nasa kalagitnaan ng pandemic ay tuloy-tuloy pa rin ang blessings na pumapasok sa buhay ng mag-asawa. Kaya naman unti-unti na nilang nasimulan ang pagpapagawa ng kanilang dream home. Kamakailan lang, muling nagbahagi si John ng update tungkol sa construction ng kanilang bahay.

“A HOUSE is built with boards and beams, a HOME is built with Love and Dreams,” pahayag ng actor-director. Maraming netizens rin ang talagang napahanga sa ganda ng location, dahil mataas ito at tanaw na tanaw ang napakagandang siyudad sa malayo.

Read Also: John Regala, Isiniwalat ang Kinikimkim na Saloobin sa Fake News na Pumanaw na Siya

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment