Nanay ni Vice Ganda, Napaiyak Matapos Makita ang Bagong Bahay na Ipinagawa ni Vice Para sa Kanya!

Sabi nga nila, ang taong laging nagshe-share ng kanyang blessings ay talaga namang pinagpapala. Kaya naman hindi na nakakapagtaka kung bakit matagumpay ang career ng komedyante at host na si Vice Ganda. Kahit pa nasa kalagitnaan ng pandemic ay maganda pa rin ang takbo ng karera ni Vice sa showbiz at bilang isang sikat na vlogger sa Youtube.

Ngunit bago pa man siya sumikat ay talagang malapit na sa kanyang pamilya si Vice. Kaya naman ngayong successful na siya, hindi rin nakalimutan ng “It’s Showtime” host ang kanyang mga mahal sa buhay. Bukod sa pagsuporta sa kanilang financially, palagi niya ring ipinaparamdam ang pagmamahal niya sa mga ito.

Read Also: Jessy Mendiola, Aminadong Nage-Edit ng mga Larawan Online Dahil Natatakot Ma-Bash

Kamakailan lang, muli na namang ipinamalas ni Vice Ganda ang kanyang kabutihang loob matapos i-surprise ang kanyang Nanay Rosario.

Nagdiwang ang nanay ni Vice ng kaarawan, kaya naman may espesyal na sorpresa si Vice para sa kanya. Hindi makapaniwala si Nanay Rosario matapos i-reveal ni Vice na bagong bahay ang regalo niya!

Noong una, inakala ni Nanay Rosario na prank lamang ito. Paulit-ulit niya ring tinanong ang kanyang anak kung seryoso ba ito. Hindi niya rin mapigilang maging emosyonal matapos masilip ang loob ng three-storey house. Unfurnished pa ito, ngunit gayunpaman ay masaya si Nanay Rosario sa kanyang bagong bahay.

“Ang bongga mo lang dito. Walang enough na words to say thank you sa iyo. Kaya ang bongga ni God sa iyo, kasi ang bongga mo rin sa amin.”

Ayon kay Vice, nais niya ring guminhawa ang buhay ng kanyang pamilya, kaya naman ibinabahagi niya sa mga ito ang kanyang blessings. Natutuwa rin daw siyang makita na nasa maayos na kalagayan ang mga mahal niya sa buhay.

“Sobra naman yung ipon ko. Sinong makikinabang? E di kami kami rin naman. Gusto ko maramdaman ng family ko, ma-experience nila yung sarap hangga’t nabubuhay ako, hangga’t nabubuhay sila. Gusto kong maramdaman namin lahat yung masarap, yung masaya, yung maganda,” dagdag pa nito.

Read More: Netizens, Pinagkaguluhan ang Appearance ni Ivana Alawi sa Bagong Music Video ni Bella Poarch

Panoorin ang buong video dito:

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwenot, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment