Isa si Sanya Lopez sa pinakasikat na artista ngayon sa Kapuso network. Dahil sa kanyang angking kagandahan at galing sa pag-arte, sunod-sunod ang naging matagumpay na proyekto ni Sanya sa GMA 7 na talaga namang pumatok sa mga fans. Kaya naman hindi maitatangging nasa tugatog siya ngayon ng kanyang career.
Ngunit nangangamba nga ba si Sanya sa paglipat ng mga bagong artisa sa GMA? Maraming premyadong Kapamilya artists rin ang tuluyan ng lumipat sa GMA, kagaya na lamang nina Bea Alonzo, Beauty Gonzales, Pokwang, Richard Yap, at John Lloyd Cruz. Kaya naman napaisip ang mga fans kung natatakot nga ba si Sanya na masapawan siya ng mga ito.

Read More: Ivana Alawi, Inakusahan na Nakipag-Flirt sa Isang Lalaking May Girlfriend na!
Sa isang exclusive interview SA Philippine Entertainment Portal, pinabulaanan naman ni Sanya ang mga kumakalat na tsismis na ito. Sa halip ay ibinahagi ng 24-anyos na aktres na excited siyang i-welcome ang kanyang mga fellow co-stars.
“Kung kinakabahan ako, kung ano man po yung mangyayari sa akin, naniniwala po ako dito sa network na to.
“Kasi para pong sa pamilya yan, isa ka sa mga tunay na anak. Kaya hinding-hindi ka pababayaan. Yun lang po ang nasisiguro ko. Kung meron mang anak talaga dito, ay ikaw ang isa sa mga talagang nagmula sa kanila. So, hindi po ako kinakabahan,” dagdag pa ni Sanya.

Kamakailan lang, ibinahagi ni Bea Alonzo na isa na siyang ganap na Kapuso. Masaya rin siyang winelcome ng mga GMA Network executives. Kabilang si Bea sa ilang mga artista na lumipat sa ibang networks matapos magsara ang kanyang home network na ABS-CBN noong May 2020.
Ngayong July 2021, tuluyan nang ibinunyag ng GMA na isang ganap na Kapuso na ang 33-anyos na aktres!
Ito’y matapos pumirma si Bea ng tumataginting na P200-million contract sa Kapuso network. Maraming fans rin ang nae-excite sa bagong proyekto ni Bea, at paniguradong aabangan ito ng mga fans.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment