"Totoong iyak ako nun.." -Paolo Contis, May Hugot sa Kanyang Bagong Movie kay Yen Santos!

Isa sa mga most-watched movies ngayon sa Netflix Philippines ang latest film ni Paolo Contis at Yen Santos na “A Faraway Land.” Sa romantic film na ito, ginampanan ni Paolo ang role ni Nico, isang Pinoy journalist na dumayo sa Faroe Islands at na-inlove sa kanyang kababayan na si Majoy na kasal na sa isang foreigner.

Sa kanyang nagdaang interview, ibinahagi ni Paolo na labis siyang naghanda para sa role na ito. Sa tuwing uma-akting siya ng seryoso ay sinisigurado niya raw na nanggagaling ito sa kanyang puso.

Kaya naman totoong luha daw ang makikita sa mga scenes kung saan emosyonal ang kanyang karakter na si Nico.

Read More: Raymond Gutierrez at Tony Labrusca, Pinakilig ang mga Netizens sa Kanilang TikTok Video

“I think naman one reason kaya very effective siya is because people don’t see me often cry because they always see me do comedy. I do my best to act from the heart. I do my best to put myself in the character kaya naman ‘yung iyak ko sa mga characters ko, totoong iyak ako nun. Hindi ako nandadaya. I really feel it. That’s why people feel what I feel.”

Bukod pa dito, may natutunan rin siya sa kanyang karakter. Ayon kay Paolo, tinuruan siya ni Nico kung paano magmahal ng todo.

Kahit pa hopeless romantic daw ito pagdating kay Majoy na kasal na, hindi masisisi si Nico dahil hindi rin nito napigilan ang kanyang damdamin.

“Natutunan ko kay Nico pag nagmahal ka, itodo mo na. You don’t know when you’re going to get a second opportunity in life. You can call Nico a hopeless romantic. Pero sabi ko nga, hindi mo alam kung kailan ka tatamaan ng love and pag tinamaan ka, it’s your decision whether to do the right or wrong decision,” dagdag pa ng aktor.

Mukhang personal naman ang pinaghuhugutan ng 37-anyos na aktor. Kamakailan lang, umugong ang usap-usapan na hiwalay na sila ng kanyang live-in partner na si LJ Reyes.

Sa kanyang interview kay Boy Abunda, ibinahagi ng aktres na matagal na niyang nararamdaman na lumalayo ang damdamin ni Paolo sa kanya.

Read More: “Wag na tayo mandamay”- Gerald Anderson, Umaasa Pang Mapapatawad Siya ni Bea Alonzo

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment