Matapos ang ilang taon na pagba-vlog, inanunsyo ni Jayzam Manabat at Camille Trinidad, na mas kilala bilang ‘Jamill,’ na tuluyan na nilang idinelete ang kanilang Youtube channel. Mahigit 12 million na ang kanilang subscriber count, ngunit ano nga ba ang dahilan ng pamamaalam nila sa vlogging?
Maraming fans ang talaga namang nagulat sa desisyon ng Jamill na itigil na ang kanilang successful channel. Naglabas naman si Camille at Jayzam ng statement sa kanilang joint Facebook page. Ayon kay Jayzam, sa likod ng kanilang 12 million subscribers ay mayroon din itong kaakibat na responsibilidad at stress.

Read More: Jerald Napoles, Napaiyak at Napamura Matapos Malaman ang Sinabi ni Sharon Tungkol sa Kanya
“Naisip namin, mamuhay na lang kami ng normal ni Camille. Gusto na namin yung simple. Gaya nang nangyari samin dati. Ayaw na namin yung masyadong mataas, madaming nakakakita sa amin. Ang hirap nang nasa taas. Hindi sa nagmamataas kami. 12 million subscribers, ang hirap i-sustain ng channel na ‘to ng dalawang utak lang, kaming dalawa,” pahayag ni Jayzam.
Bukod pa dito ay nais na rin nilang mamuhay ng tahimik ni Camille. Sa kanyang statement, inamin ni Jayzam na mas magpo-focus sila sa kanilang relasyon ngayong wala na silang inaasikasong Youtube channel. Makakatulong rin daw ito upang mas mapatatag pa ang kanilang pagsasama.


“Kahit mawala yung channel namin, kami pa rin, nagmamahalan pa rin kami. Hindi dahil may Youtube kaya kami nandito. Sana irespeto at igalang niyo. Sana maging masaya kayo para sa relasyon namin. Kasi para sa ikagaganda ng relasyon ng pagmamahalan namin. Maraming salamat dahil binago niya ang buhay namin ni Camille.”
Sa kabilang banda, maraming fans naman ang talagang nagulat at nalungkot sa desisyong ito ng Jamill. Paniguradong nami-miss rin ng kanilang mga fans ang kanilang content, ngunit maaari pa naman silang subaybayan sa kanilang ibang social media platforms.
Read Also: Anak ni Ai-Ai, Stable ang Kalagayan Matapos Mahulog sa Bangin ang Kotse Dahil sa Hit and Run

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment