Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na labis na malapit si Kris Aquino sa kanyang mga anak na sina Kuya Josh at Bimby.
Kahit pa hectic ang schedule ni Kris bilang aktres at host noon, nagagawa pa rin niyang maging hands-on na mommy sa kanyang dalawang anak. Kaya naman ngayong malaki na si Josh, nalulungkot si Kris sa pag-alis nito sa poder niya.
Matatandaang nitong May 2021 lang ng ibahagi ng “Queen of All Media” ang malungkot na balita na tuluyan nang aalis sa poder niya ang kanyang panganay na anak. Matapos ang ilang taon ay napagdesisyunan ni Kuya Josh na maging independent na.


Read More: Lola na Balut Vendor, Tinanggihan ang Regalong Magandang Bahay Mula sa Kanyang Anak! Bakit Kaya?
Kamakailan lang, nagbahagi si Kris ng isang nakaka-touch na mensahe sa kanyang Instagram account.
Ayon sa kanya, permanente nang maninirahan sa Tarlac ang kanyang panganay na si Josh. Pinili raw nito sa Tarlac dahil dito rin siya lumaki, at malapit siya sa lola niyang si former president Cory Aquino.
“Namili na si Kuya Josh, gusto na nya talagang tumira sa Alto our family compound in what he calls ‘Lola’s house.’ The 3 of us said our goodbyes yesterday afternoon… Pabalik na kami ni Bimb to our serviced residence while the condo we’ll be leasing is being readied,” ayon kay Kris.

Dagdag pa nito, nagkaroon rin ng tampuhan si Josh at Bimby at nagtagal ito ng ilang buwan.
Ngunit matapos ang mahabang pag-uusap, muling nagkabati ang dalawa. Ayon kay Kris, paniguradong mami-miss ng kanyang bunso ang kuya nito lalo pa’t mapapalayo na ito sa kanila ngayon.
Ilang buwan rin daw hindi nagkausap ang dalawa dahil sa kanilang tampuhan. Kaya naman naging awkward ang kanilang pagsasama sa iisang bahay.
Ngunit bago umalis si Kuya Josh ay nakita naman daw ni Kris kung gaano kalungkot si Bimby, at paniguradong mami-miss nito ng sobra ang kanyang kuya.

Read Also: Mark Herras, Nagsalita na! Pinaringgan si Lolit Solis sa Isyung Pangungutang Niya
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment