Jamill, Nagsalita na! Isiniwalat ang Katotohanan Kung Bakit Dinelete ang Youtube Channel Nila

Isa ang Jamill sa mga pinakasikat na couples ngayon sa social media. Nagsimula silang sumikat matapos nitong pasukin ang mundo ng vlogging noong taong 2017. Magmula noon ay tuloy-tuloy na ang pagsikat ni Jayzam Manabat at Camille Trinidad. Ngayong 2021 ay umabot na sila sa mahigit 12 million subscribers.

Ngunit sa kabila ng kanilang kasikatan ay hindi rin inaasahang masangkot sila sa mga kontrobersya. Sa loob ng ilang taon, nasangkot na rin sa iba’t-ibang isyu ang Jamill.

Ang pinakalatest na talagang tumatak sa mga fans ay ang isyu ng pambababae ni Jayzam na umabot pa sa programa ni Raffy Tulfo.

Read More: Jerald Napoles, Napaiyak at Napamura Matapos Malaman ang Sinabi ni Sharon Tungkol sa Kanya

Dahil dito, mas pinili na rin ni Jayzam at Camille na manirahan ng payapa at tahimik. Kaya naman nagulat na lamang ang mga fans nang inanunsyo ng Jamill na tuluyan na nilang tatalikuran ang vlogging. Kamakailan lang ay binura na ni Jayzam at Camille ang kanilang Youtube channel.

“Yes delete na po ang channel. Di naman natin map-please lahat ng tao na sabihing issue lang ito or what. It’s about our relationship, mas pinili namin na mas maging okay ang relationship namin. I hope irespeto na lang, thank you,” ito ang pahayag ni Camille sa Twitter.

Dagdag pa ni Camille, tila ba gumaan ang kanyang loob matapos i-delete ang kanilang Youtube account. Ayon naman kay Jayzam, nahihirapan na rin silang mag-isip ng content araw araw para i-sustain ang kanilang channel kaya mas minabuti nilang i-delete na lamang ito upang makapag-focus sa kanilang personal na buhay.

Nilinaw naman ng Jamill na kahit pa deleted na ang kanilang Youtube channel ay patuloy pa rin ang pagmamahalan nila. Sa katunayan, mas magkakaroon daw sila ng peace of mind at oras para mag-focus sa kanilang pagsasama.

Read Also: Anak ni Ai-Ai, Stable ang Kalagayan Matapos Mahulog sa Bangin ang Kotse Dahil sa Hit and Run

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment