Isa si Ellen Adarna sa mga pinakasikat na sexy actress ngayon sa industriya ng showbiz. Bukod sa kanyang nakakahalinang ganda, hindi maitatangging talentado rin ang Cebuana beauty pagdating sa pag-arte. Kaya naman hindi na nakakapagtaka kung bakit tinagurian siyang “pantasya ng bayan” para sa karamihan.
Hindi naman lingid sa publiko na outspoken ang 33-anyos na aktres pagdating sa kanyang personal na buhay. Sa katunayan, madalas ay nagbabahagi si Ellen ng kanyang opinyon at personal preference sa social media. At hindi rin siya basta basta umaatras sa mga bashers niya online.


Read More: Ivana Alawi, Inakusahan na Nakipag-Flirt sa Isang Lalaking May Girlfriend na!
Kamakailan lang, isang basher ang muli na namang nakatikim ng resbak matapos itong diretsahin ng aktres. Sa kanyang huling question and answer session sa Instagram stories, nakatanggap si Ellen ng nakakawindang na komento mula sa isang netizen na tinawag siyang “Feeling gwapa,” o “feeling maganda.”
Hindi naman ito pinalagpas ni Ellen. Sanay na siya sa mga di kaaya-ayang komento online, ngunit hindi rin siya basta-basta nananahimik lalo na kung personal na buhay niya ang nadadawit. Kaya naman sinagot ni Ellen ang basher na ito at may prangka siyang mensahe para dito!

“Hater ka dai, ang dami mong hate messages. Napansin na kita,” pahayag ng aktres. Dagdag pa nito, ang nasabing netizen na nagpahatid sa kanya ng mensaheng ito ay mukhang unggoy na laging nakasabit sa puno.
Sa kabilang banda, maraming fans naman ang naaliw sa mensaheng ito ni Ellen. Natawa rin sila sa pagka-prangka ng aktres. Talagang wala itong inaatrasan sa social media, kaya naman hindi rin umuubra ang mga bashers niya sa kanyang attitude.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment