Jeric Raval, May Mensahe sa mga Taong Hinuhusgahan Siya Dahil sa 18 Anak Niya sa Iba't-Ibang Babae

Isa si Jeric Raval sa mga pinakahinahangaang action star sa industriya ng showbiz. Noong 90s era, habang kasagsagan ng mga action films, bumida si Jeric sa maraming pelikula na talaga namang sinubaybayan ng lahat. Dahil sa kanyang matinee star looks at galing sa pag-arte, hindi na nakakapagtaka kung bakit maraming babae ang nahuhumaling sa action star na ito.

Sa edad niyang 45, nagkaroon na rin ng maraming anak si Jeric na mayroong iba’t-ibang nanay. Ngunit kahit pa marami siyang anak, aminado naman ang beteranong aktor na hindi niya pinagsisisihan na naging tatay siya ng labingwalong anak niya. Sa katunayan, masaya siya sa malaking pamilya nila ngayon.

Read More: Sharon Cuneta, Inamin na Sumailalim Siya sa Major Surgery Kaya Nagpunta sa Amerika

Gayunpaman, kung maibabalik ang panahon, may mga bagay na nais daw baguhin si Jeric. Sa kanyang exclusive interview sa Philippine Entertainment Portal, inamin ng aktor na pinagsisisihan niya ang pagkakaroon ng maraming nobya dati.

“Kung maibabalik ko ‘yung panahon, hindi ako mag-aanak ng marami. Hindi ako mambababae. Feeling ko nga, ako si James Bond that time. Yun ang hindi ko daraanan ulit,” pahayag ni Jeric. Bukod pa dito, na open-up rin siya tungkol sa mga sakripisyo niya bilang ama.

Ayon kay Jeric, may mga pagkukulang din daw siya minsan sa kanyang mga anak. May mga pagkakataon daw na may hihingiing pabor ang anak niya sa kanya, ngunit hindi niya ito agad agad na naibibigay.

Dahil dito, madalas daw ay dinaramdam niya ito dahil nakikita niyang malungkot ang kanyang anak.

“Hindi naman ako milyonaryo, hindi naman ako mayaman, tama lang. May mga anak kasi ako na minsan, kapag may hiningi na isang bagay at hindi ko naibigay, masyado kong dinaramdam.

In fact, may isa akong anak, humihingi sa akin ng sasakyan. Nagpapabili ng sasakyan. Hindi ko naman maibigay agad, nalulungkot ako.”

Gayunpaman, masaya pa rin si Jeric na makitang nasa maayos na kalagayan ang mga anak niya. Edad 28 na ang kanyang panganay, samantalang 12 anyos naman ang pinakabata.

Read Also: Larawan ni Nadine Lustre at Bagong BF na Foreigner Businessman, Usap-Usapan Ngayon Online!

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment