Isa si Ivana Alawi sa mga pinakasikat na sexy actress ngayon sa Pilipinas. Hindi man namayagpag ang kanyang career sa showbiz industry, pinalad naman ang 24-anyos na aktres na sumikat sa social media. Sa katunayan, isa siya sa mga pinaka most followed celebrities ngayon sa Instagram at Youtube.
Sa kasalukuyan ay mayroong mahigit 13 million subscribers si Ivana sa kanyang Youtube channel. Dagdag pa diyan ang kanyang 6.9 million followers sa Instagram. Dahil dito, hindi na rin nakakapagtaka kung bakit maging mga international fans at suportado ang 24-anyos na online sensation na ito.

Read More: John Prats at Isabel Oli, Excited na sa Pagpapatayo ng Kanilang Bonggang Dream Home!
Ngunit hindi lang si Ivana ang natatanging Pinay na hinahangaan sa social media. Kabilang sa mga sikat na influencers ngayon ay si Bella Poarch. Gaya ni Ivana, si Bella ay sumikat rin sa social media matapos mag-viral ang kanyang mga videos sa TikTok. At kamakailan lang, nagkasama ang dalawa sa music video ni Bella!
Inabangan ng mga fans ang music video ng bagong hit single ni Bella Poarch na “Inferno.” Nag-cameo rin dito ang mga sikat na online personalities na may dugong Pinoy, at kabilang na sa kanila si Ivana Alawi at Bretman Rock. Nai-feature rin sa music video ang sikat na streamer na si Pokimane.


Kahit pa ilang segundo lamang ang cameo ni Ivana sa music video na ito, maraming fans ang natuwa dahil nag-collaborate ang dalawa. Sa katunayan, matapos ang tatlong araw nang i-upload ni Bella ang music video ay lumagpas na ito sa mahigit 15 million views sa Youtube.
Sa kabilang banda, maraming netizens naman ang na-excite sa future collaborations ni Bella at Ivana. Marmai rin ang nagre-request na magsama sila sa isang vlog, ngunit mukhang malabo ito ngayong pandemic dahil nasa Hawaii si Bella, samantalang nasa Pinas naman si Ivana.

Read Also: Hunk Actor, Nangutang ng P30k Mula kay Lolit Solis Para sa Pang-Gatas ng Sanggol na Anak
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment