Mukhang may espesyal na namamagitan sa beteranag aktres na si Sheryl Cruz at kanyang fellow star na si Jeric Gonzales. Kamakailan lang, kinilig ang mga fans sa social media matapos mag-post si Sheryl ng maikling mensahe para kay Jeric. Sa kanyang IG post, pinasalamatan ni Sheryl ang mga pasalubong ni Jeric galing Baguio, at may pa “love you” pa ito!
Suportado naman ng kanilang mga fans ang namumuong pagtitinginan ng dalawa. Ang beteranang aktres ay 47, samantalang si Jeric ay 29 pa lang. Sa kabila ng kanilang 18-year age gap, hindi maipagkakaila na mayroong chemistry si Sheryl at si Jeric na lumago simula ng magsama sila sa teleserye sa GMA.


Maraming fans ang kinikilig sa tambalan ni Sheryl at Jeric. Sila ang lead stars ng romantic teleserye na “Magkaagaw.” At kahit pa malaki ang agwat ng edad ni Sheryl at Jeric, hindi ito naging hadlang para magkaroon sila ng chemistry. Ngunit maaari kayang magbunga ito ng totoong relasyon?
Kamakailan lamang ay ininterview sa “The Boobay and Tekla Show” ang 28-anyos na aktor. Sa kanyang interview, nag open up din si Jeric tungkol sa totoong namamagitan sa kanila ni Sheryl. Nang tanungin kung may namumuong romansa nga ba sa kanila ay isa lamang ang isinagot ni Jeric.

“Alam n’yo naman naging close kami sa Magkaagaw so kung ano man ‘yung friendship namin ngayon, sa amin na lang ‘yun siguro. Very, very close kami. Special ‘yun. Sabi ni Jeric, “Mas may experience ang babae, mas marami akong matutunan, ‘di ba?” saad ni Jeric.
Bukod pa dito, ibinahagi rin ni Jeric na mas gusto niya ang mga babaeng may edad pagdating sa relasyon. Ayon kay Jeric, mas marami siyang matututunan sa babaeng mas matanda sa kanya sa kadahilanang mas matured ito.
Read More: Basher, Natameme Matapos Diretsahang Sagutin ni Ai-Ai delas Alas ang Pambabatikos Nito kay Gerald

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment