Anak ni Lola Josie, Ipinagtanggol si Donnalyn at Ibinunyag ang mga Naitulong Nito sa Likod ng Kamera

Mukhang hindi pa rin nagwawakas ang alitan sa pagitan ni Donnalyn Bartolome at Jose Hallorina. Nitong nakaraang linggo lamang, usap-usapan sa social media ang video na ibinahagi ni Jose sa kanyang Youtube channel.

Sa vlog na ito ay ibinahagi ni Jose na pumanaw na si Lola Josie na kamag-anak ni Donnalyn. Nalungkot rin si Jose dahil di umano’y pinabayaan lamang si Lola Josie.

Kahit pa wala siyang binanggit na pangalan sa kanyang vlog, malinaw kung sino ang tinutukoy ni Jose. Ayon dito, nadudurog ang puso niyang makita na mag-isa na lamang si Lola Josie at walang gustong kumupkop dito, kahit pa may kamag-anak ito na isang milyonaryang influencer.

Read More: Jeric Raval, May Mensahe sa mga Taong Hinuhusgahan Siya Dahil sa 18 Anak Niya sa Iba’t-Ibang Babae

Agad ring napagtanto ng mga netizens na si Donnalyn ang tinutukoy ni Jose. Maraming netizens ang tila nadismaya kay Donnalyn, ngunit marami rin naman ang nagtanggol sa social media influencer.

Kabilang na sa kanila si Dennis Devera, na nagpakilalang anak siya ni Lola Josie. Ipinagtanggol ni Dennis si Donnalyn sa mga kritiko, at ibinahagi nito na malaki rin ang naitulong ng dalaga sa kanyang ina.

Ayon kay Dennis, hindi na raw dapat idamay si Donnalyn sa pagpanaw ng kanyang ina. Kung tutuusin daw ay malayo na rin silang kamag-anak ng influencer.

Dagdag pa nito, ilang beses na rin silang natulungan ng social media star kahit pa hindi nito pinapakita sa camera, kaya naman malaki ang pasasalamat nila dito.

Kabilang sa mga naitulong ni Donnalyn ay ang pagbili ng motor at pagbibigay ng puhunan pang-negosyo para kay Lola Josie.

Bukod pa dito ay siya rin daw ang nagbabayad sa inuupahan nito, binilihan niya ng mga gamit, at may monthly allowance pa daw ito mula kay Donnalyn. Ngunit si Lola Josie daw mismo ang nagpasyang umalis sa bahay.

Sa kabilang banda, nagpadala naman ng demand letter ang kampo ni Donnalyn kay Jose upang i-take down ang nasabing vlog nito na di umano’y nakakasira ng reputasyon ng influencer.

Read Also: “See you in court!”- Vlogger na si Jose Hallorina, Hindi Nagpasindak sa Demand Letter ni Donnalyn Bartolome

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment