"Di ko na talaga kaya"- Jessy Mendiola, Sinagot ang Tsismis na Peke at Pinagawa Niya ang Hinaharap Niya

Isa si Jessy Mendiola sa mga tinaguriang ‘prettiest faces’ sa industriya ng showbiz. Bukod sa kanyang nakakahalinang ganda, hindi rin maipagkakaila na talagang biniyayaan ang 28-anyos na aktres ng kaseksihan. Dahil dito, hindi na nakapagtataka kung bakit marami ang naiinggit sa kanyang ‘body goals’ na figure!

Kaya naman curious rin ang mga netizens na malaman kung all-natural nga ba si Jessy pagdating sa kanyang ganda.

Kamakailan lang, sinagot ni Jessy ang mga tanong sa kanyang vlog sa Youtube. Isa sa mga binigyang linaw ni Jessy ay ang kumakalat na balita na nagpadagdag di umano siya ng dibdib.

Read More: Long Mejia, Humingi ng Tawad kay Ellen Matapos Ito Tawaging “Unprofessional”

Pinabulaanan naman ito ng aktres. Ayon kay Jessy, hindi siya nagpadagdag at wala siyang balak na magpadagdag dahil nahihirapan siya sa kanyang hinaharap.

Bukod sa mabigat ito, pakiramdam niya raw ay makukuba na rin ang kanyang likod. Isa rin daw ito sa dahilan kung bakit siya nagpapayat dati.

“Yes, they’re real, guys. Di ko na talaga kayang magpadagdag pa dahil bigat na bigat na din ako sa aking hinarap.”

“At kaya ako nagpapayat noon ay dahil hindi ko na rin kaya ang bigat ng boobs. Real talk. As in, nakukuba na ako at masakit sa likod,” pahayag ni Jessy sa kanyang question and answer vlog.

Dagdag pa ng aktres, nakatulong rin ang pagpapapayat niya upang mas maging defined ang kanyang facial features. Kaya naman proud siya dahil na-achieve niya ang matagal ng pinapangarap na jawline at slim face, dahil sa kanyang strict exercise routine at regimen.

“Ang totoo lang really ay pumayat lang din ako, and nag-mature yung face ko. Kaya feeling ko mas naging defined ang features ko. And, tingan niyo o. Makeup lang yan o! Mag-highlighter lang kayo sa gitna ng ilong. Tatangos din yan!”

Read Also: Xian Gaza, Isiniwalat ang Di Umano’y ‘Scam’ ni Rudy Baldwin Kung Saan Kumikita Siya ng Milyones!

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment