Long Mejia, Ibinuking ang Bastos na Attitude ni Ellen Adarna Matapos Mag-Walk Out sa Taping

Mahigit dalawang dekada na si Long Mejia sa industriya ng showbiz. Sa panahong ito, marami na rin siyang nakatrabahong sikat at respetadong artista. Ngunit ngayon lamang daw siya nakaranas ng pangbabastos mula sa isang co-star. Ibinahagi ni Long Mejia ang di umano’y ‘unprofessionalism’ ni Ellen Adarna sa set.

Co-stars si Ellen at Long Mejia sa TV 5 sitcom na “John en Ellen.” Nitong nakaraang June ay naglock-in taping ang mga cast sa isang resort sa Batangas.

Kabilang na dito sina John Estrada, Ronaldo Valdez, Long Mejia, at Ellen Adarna. Ngunit ayon kay Long, nasaksihan niya ang pagwo-walk out ni Ellen sa kanilang set.

Read More: Ellen Adarna, Sinupalpal ang Netizen na Tumawag sa Kanyang “Feeling Gwapa” sa Instagram

“Si Ellen Adarna, hindi pa siya sikat, ha? Mali yung ginawa niya, umalis siya sa gitna ng eksena. Ang salita niya lang sa isang production staff na nadaanan niya, ‘Bye!’ Ano ‘yon? Yun ang nangyari. Hindi ba siya nahihiya? Wala siyang ginawa kundi magsolo agad,” pahayag ni Long Mejia sa kanyang interview.

Dagdag pa ni Long, hindi maaaring basta basta na lamang umalis si Ellen dahil may responsibilidad siya habang nagte-taping sila. Dahil daw sa pagwo-walk out ng aktres ay naantala rin ang kanilang taping dahil may isang eksena na kinakailangan nito.

Ayon pa kay Long, napansin niya rin na tila ba laging nagmamadali si Ellen na tapusin ang kanyang mga eksena, kaya naman natataranta ang mga staff. Pagkatapos daw nito ay makikipagkita na ang aktres sa kanyang boyfriend na si Derek Ramsay, na kasama niya sa iisang kwarto sa resort.

“Ang mensahe ko kay Ellen, sana maramdaman niya yung mga katrabaho niya. Sa madaling-salita, maging propesyonal siya. Alam naman ng mga crew na hindi siya binastos, pero anong ginawa niya? Ang tawag doon, pambabastos! Kaya ako, hindi ako naniniwala na ang pag-aaral, hindi porke’t mataas ang pinag-aralan mo, e, ganoon ang pagkatao mo. Hindi rin pala.”

Read Also: Sanya Lopez, Takot nga bang Masapawan ni Bea Alonzo sa Paglipat Nito sa GMA 7?

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment