Maraming fans sa social media ang nakapansin sa pagbabago ng katawan ng aktres na si Chynna Ortaleza. Ayon sa ibang concerned netizens, kapansin-pansin ang pagbabawas ng timbang nito. Kaya naman hindi mapigilang mag-alala ng ibang fans sa totoong kalagayan ng aktres at kung may iniinda ba itong karamdaman.
Kamakailan lang, ibinahagi ni Chynna ang totoong dahilan kung bakit siya pumayat. Sa Instagram, nagbahagi siya ng kanyang ‘honest selfie,’ kung saan ipinakita niya ang kanyang figure.
Ayon kay Chynna, gut problems ang dahilan kung bakit nabawasan ang kanyang timbang, ngunit nagpatingin na siya sa mga espesyalista.

Read More: Bea Alonzo, May Mensahe sa ‘Insincere’ Apology ni Gerald Anderson sa Kanya!
“A most honest selfie. I am 86 lbs as of today. But happy that my gut is recovering and that I am free of joint pain and headaches. The past g months have tested me. You know the saying, ‘Aim for progress and not perfection?’ Well I have to keep repeating this to myself so that I can celebrate my small wins,” pahayag ng aktres sa Instagram.
Ayon sa Chynna, hindi na bago sa kanya ang karamdamang ito. Taong 2019, matapos pumanaw ang kanyang ama ay nagsimula siyang makaranas ng mga health problems.
Bukod sa kanyang pagluluksa, kinailangan niya ring mag-adjust dahil kakapanganak niya lang noong mga panahong iyon.


“I didn’t give myself time to grieve in all honesty about my papa so after that, I became a mom again and faced different adjustments since, now, I have two kids. Apart from that, the pandemic happened, so I had to process a lot of things,” pahayag ni Chynna.
Sa ngayon ay nagpapagaling na si Chynna. Sinusunod niya rin ang mga dietary restrictions niya, kabilang na dito ang cheese, dairy, eggs, at gluten. Sinusubukan niya na ring ibalik ang kanyang ideal weight na 109lbs bago magkaroon ng pandemic.

Read Also: Ivana Alawi, Napatili sa Kilig Matapos i-Greet ng Kanyang Ultimate Crush sa Showbiz!
Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment