Naniniwala ka ba sa kasabihang “love is sweeter the second time around?” Mukhang ito ang motto ng social media influencers na sina Toni Fowler at Rob Moya. Matapos ang ilang buwang paghihiwalay at patutsadahan sa social media, muli na namang nagkabalikan ang dalawa. Sa pagkakataong ito, bibigyan daw nila ng chance ang kanilang relasyon.
Nag-umpisa ito nang magkita sila para sa kanilang alagang aso noong July. Magmula noon ay nagsimula ng bumalik ang pagtitinginan ni Rob at Toni sa isa’t-isa.
Nagpahayag rin si Rob ng pagsisisi sa nagawa niyang panloloko kay Toni, matapos di umano’y ma-link siya sa modelong si Lai Austria.


Read More: Ivana Alawi, Inakusahan na Nakipag-Flirt sa Isang Lalaking May Girlfriend na!
Ibinahagi rin ni Rob sa social media ang labis niyang pagka-miss kay Toni at sa anak nitong si Tyronia. Ayon kay Rob, nanghihinayang siya sa mga panahong sinayang niya na sana’y kasama na niya si Toni. Kagaya na lamang nang mag-celebrate si Toni ng kanyang birthday kamakailan lamang.
Sa kanilang muling pagkikita, nagbigay rin ng regalo si Rob kay Toni upang ipakita dito na naa-appreciate niya ito.
Binigyan niya ito ng isang set ng alahas. At siyempre, hindi rin niya nakalimutan si Tyronia, na mayroon ring alahas na ka-match ng kanyang mommy, ngunit mukhang malayo pa rin ang loob nito kay Rob.

Sa kabilang banda, umani naman ito ng iba’t-ibang komento mula sa mga netizen. Marami ang natutuwa sa pagbabalikan ng dalawa, ngunit may mga hindi rin pabor dito. Silipin ang kanilang mga komento sa ibaba:
“I see and felt the pain in tyronia’s eye. Dahil she really loved daddy rob and it was a painful breakup.”
“Yung binibigay niyong environment kay tyronia ay nagiging toxic na, i swear.”
“Di tlga maloloko ang bata, tyronia’s reaction nung nalaman na galing kay rob Yung gift.”
“You cant deny that theres really something between them , andami nilang pinagdaan dalawa.”


Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment